UPANG MATUTUKANG MABUTI ANG PAGLILINGKOD AT PAG-ASISTE SA MGA LUCENAHING NANGANGAILANGAN NG TULONG SA MGA ORAS NG KAGIPITAN, TINIYAK NI MAY...
UPANG MATUTUKANG MABUTI ANG PAGLILINGKOD AT PAG-ASISTE SA MGA LUCENAHING NANGANGAILANGAN NG TULONG SA MGA ORAS NG KAGIPITAN, TINIYAK NI MAYOR DONDON ALCALA ANG PAGLALAAN NG MGA KARAGDAGANG KAGAMITAN AT KAWANI PARA SA LUCENA CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MATATANDAANG KABILANG SA MGA PINASALAMATAN NG HEPE NG LCDRRMO NA SI JANET GENDRANO AY ANG ILANG MGA HEPE NG TANGGAPAN GAYA NG CITY GENERAL SERVICES, CITY ACCOUNTING, CITY AGRICULTURE, CITY HEALTH, AT PUBLIC MARKET DAHIL SA PAGPAPAHIRAM NG MGA ITO NG KANI-KANILANG MGA EMPLEYADO UPANG MAKATULONG AT MAGING BAHAGI NG KANILANG EMERGENCY RESPONSE TEAM SA KANILANG DISASTER OPERATION CENTER.
AYON KAY MAYOR DONDON ALCALA, MAHIHIRAPAN ANG NASABING TANGGAPAN NA MAGAMPANAN NG MAHUSAY ANG KANILANG TUNGKULIN SA BAYAN KUNG KULANG ANG MGA EMPLEYADO NITO LALO NA’T 24/7 ANG OPERATION HOURS NG DISASTER OPERATION CENTER NG LCDRRMO.
KAUGNAY NITO AY INIHAYAG NG ALKLADE ANG MAGANDANG BALITA NA SISIKAPIN NG LOKAL NA PAMAHALAAN NA DAGDAGAN ANG KANILANG HUMAN RESOURCES AT PAG-UUSAPAN NA RIN KUNG DAPAT NANG GAWING PERMANENTENG BAHAGI NA NG NASABING TANGGAPAN ANG MGA KAWANI NA DAT-RATI’Y KANILA LAMANG HINIHIRAM MULA SA IBANG OPESINA.
BUKOD DITO, TINIYAK NI MAYOR DONDON ALCALA NA KUKUMPLETUHIN AT DARAGDAGAN NA RIN ANG MGA KAGAMITAN NG LCDRRRMO UPANG MAS MAGING MABILIS ANG KANILANG PAGRESPONDE NANG SA GAYON AY MAGAMPANAN NG MAS MAAYOS ANG KANILANG TUNGKULIN.
SA GANITONG PARAAN UMANO, BUKOD SA 24/7 DISASTER OPERATION CENTER NG LCDRRMO, MAGKAKAROON NA NG TUNAY NA EMERGENCY HOTLINE NA 911 ANG LUNGSOD NA MAAASAHAN NG MGA LUCENAHIN ANO MANG ORAS KUNG KAKAILANGANIN.
SAMANTALA, IBNINALITA RIN NI MAYOR DONDON ALCALA NA PASISIMULAN NA RIN ANG PAGLALAGAY NG FIBER OPTIC SA BUONG LUNGSOD NG LUCENA NA MAGIGING DAAN UPANG MAGKAROON NG MAS MAGANDANG ACCESS ANG LAHAT UKOL SA MGA PANGYAYARI SA LUNGSOD. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments