Pinarangalan ang ilang mga estudyante ng pribado at pampubllikong paaralan sa lungsod na nanalo sa ilang mga patimpalak na inorganisa ng ta...
Pinarangalan ang ilang mga estudyante ng pribado at pampubllikong paaralan sa lungsod na nanalo sa ilang mga patimpalak na inorganisa ng tanggapan ng City Anti-Drug Abuse Council kamakailan.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa selebresyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking na may temang Listening to Children and Youth is the first step to help them grow healthy and safe.
Para sa Poster Making Contest, tinanghal na third place si Jolo Marlinga mula sa Gulang Gulang National High School Ibabang Talim Extension, second place naman si Trisha Mae Rodelas ng Lucena City National High School Mayao Parada Extension at napanalunan ni Eleazar Jasper Reynoso ang First Place mula sa Cotta National High School.
At sa Chess Competition, nasungkit ni Ciara Joyce Mauzar ang ikatlong pwesto habang si Allan Badillo naman ang second placer, pawang mag-aaral ng Lucena City National High School Main.
Ang pambato naman ng Manuel S. Enverga University Foundation na si Jefferson Pacis ang tinanghal na kampeon.
Binigyang parangal din sa nasabing kompetisyon si Andrea Nicole Bandian mula sa UCCP Magill Memorial School bilang Top Lady Awardee.
Maliban sa medalya, tropeo at cash prize ay binigyan din ang mga nagwagi ng sertipiko mula sa nasabing ahensya sa pamumuno ng hepe nito na si Francia Malabanan.
Inaasahan naman ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng tanggapan ng mga proyekto, programa at kampanya para sa mamamayang Lucenahin kaisa sa mithiin nilang maiiiwas ang lahat sa paggamit ng illegal na droga. (PIO Lucena/M.A. Minor)

No comments