Tinatayang mahigit sa 400 mga mag-aaral ng Alternative Learning Sysytem o ALS mula sa iba’t-ibang barangay sa Lucena ang tumanggap ng libre...
Tinatayang mahigit sa 400 mga mag-aaral ng Alternative Learning Sysytem o ALS mula sa iba’t-ibang barangay sa Lucena ang tumanggap ng libreng gamit pang-eskwela mula sa pamahalaang panlungsod kahapon ng umaga.
Ginanap ang pamamahaging ito sa covered court ng Lucena City National High School-Ibabang Dupay na kung saan ay pinangunahan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Kasama ng alkalde na namahagi dito sina City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon, mga konsehal na sina Vic Paulo at William Noche kasama ang anak nitong si Wilbert Noche at mga kapitan na sina Brgy. Marketview Chairman Edwin Napule at Brgy. Bocohan Chairman Romulo Lagar.
Sa maiksing programa na isinagawa dito, at sa pananalita ni Dr. Ogayon, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaang panlungsod lalo’t higit si Mayor Alcala sa patuloy at walang sawang pagsuporta nito sa sector ng edukasyon sa lungsod.
Binigyang tagubilin rin ng city schools division superintendent ang lahat ng mga mag-aaral ng ALS na pagbutihin ng mga ito ang kanilang pag-aaral at huwag sasayangin ang mga tulong na ipinagkakaloob sa kanila ng city government upang ang mga ito ay magpatuloy sa kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.
Samantala, sa naging mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga dumalo dito, kaniyang sinabi na matagal nang natapos ang pamamahaging ito ng libreng gamit pang-eskwela ngunit sa kagustuhan na ang lahat ng mga mag-aaral ay mapagkalooban nito kaniyang minabuti na pagkalooban rin ang mga estudyante ng ALS sa Lucena.
Natuwa rin aniya siya sa ikinuwento ni Dr. Aniano Ogayon tungkol sa isang estudyante ng Alternative Learning Sysytem na kung saan ay nag-aaral ito sa umaga at nagtratrabaho sa gabi at sa ginawang pagsisikap niyang ito ay nakatapos siya dito at nang kumuha ng pagsusulit sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ay nakapasa ito at ngayon ay nag-aaral na siya dito.
Sinabi ng alkalde ang kwentong ito sa pagnanais na maging inspirasyon ito sa iba pang mag-aaral ng ALS na sa kagustuhang na makatapos ng kanilang pag-aaral ay nagsumikap ito sa kaniyang sarili.
Matapos ng kanilang pananalita ay inumpisahan na ang pagbibigay ng mga naturang kagamitan na siya namang ikinatuwa ng mga estudyante ng ALS.
Ang pamamahaging ito ng libreng gamit pang-eskwela ay isa lamang sa mga programa ni Mayor Dondon Alcala pagdating sa sector ng edukasyon bukod pa rin ang libreng pag-aaral sa DLL at maging ang iba pang programa at proyketo sa dito dahilansa sa isa sa mga hinahangad ng alkalde para sa mga kabataang Lucenahin ay ang magkaroon ang mg ito ng maayos at de-kalidad na edukasyon upang sa ganuna ay maipagmalaki ang mga ito hindi lanag sa ating probinsya kung maging sa buong bansa at maging sa buong mundo. (PIO Lucena/R.Lim)

No comments