Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga operatiba na nakibahagi sa isinagawang operasyon laban sa mga bolante sa lungsod, binigyang papuri ni City Admnistrator Anacleto Alcala Jr.

Bingyang papuri ni City Administrator Anacleto “Jun” Alcal Jr. ang lahat ng mga naging kabahagi ng sisinagawang operasyon laban sa mga bola...

Bingyang papuri ni City Administrator Anacleto “Jun” Alcal Jr. ang lahat ng mga naging kabahagi ng sisinagawang operasyon laban sa mga bolante sa lungsod kamakailan.

Inihayag ni City Administrator Jun Alcala Jr. ang papuring ito sa isinagawang flag raising ceremony na kung san ay kaniya ring pinasalamatan ang mga ito.

Ayon pa kay City Administrator Alcala, isinagawa ang tinatawag na “Operation Bangketa” sa loob ng isang linggo sa bahagi ng public market dahil na rin sa dumadaming bilang ng mga nagbobolante sa lugar.

Kabilang sa mga pinuri ng naturang opisyal ay ang hepe ng Traffic Management Office na si Retired Captain Jaime de Mesa kasama ang mga tauhan nito, ang hepe ng Tricycle Franchising and Regulatory Office na si Noriel Obcemea, kasama ang ilang mga tuhan nito at ilang mga pangulo ng TODA sa Lucena, at angPublic Market Administrator na si Noel Palomar.

Gayundin ipinaabot rin nito ang kaniyang pasasalamat sa mga tauhan ng Lucena PNP, sa pangunguna ng kanilang team leader na si SPO4 Toby Carreon, ang mga tauhan rin ng LCDRRMO at ang mga tauhan ng Public Information Office upang makunan ang pangyayaring ito.

Ayon pa rin sa administrador, nilinis ng mga nabanggit na tauhan ang ilang mga kalsada sa palengke at inilagay sa tamang pwesto ang mga ito ngunit ang ilan naman sa kanila ay nagawang makaiwas sa panghuhuling ito.

Marami-rami rin aniya ang mga nakatakas sa isinagawang unang bugso ng operasyon at bumalik pagkalipas ng ilang oras na kung saan ay wala na ang mga nanghuhuli ngunit sa isinagawa nilang pagbalik dito ay kanilang natyempuhan ang mga bolanteng ito dahilan upang makumpiska ang kanilang mga paninda.

Ang mga nakumpiskang paninda ng mga ito ay unang dinadala sa tanggapan ng Traffic Management Section upang iimbentaryo ang mga ito at bigyan ang mga may-ari nito ng panahon upang matubos ang kanilang paninda ngunit sa kaso ng mga madaling masirang pagkain tulad ng isda, gulay at karne ay dinadala naman ito sa Reception and Action Center ng DSWD sa bahagi ng Zaballero upang maging pagkain ng mga batang naninirahan dito.

Ang pagsagawa ng ganitong uri ng operasyon ay upang maisaayos ang paninida ng mga lehitimong maninidahan sa palengke ng lungsod dahilan sa hindi na pinapasok ng mga mamimili ang loob ng palengke at dito na lamang bumibili na siyang nagiging dahilan naman ng pagliit ng kita ng mga ito.

Gayundin ayupang mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko dito na kung saan ay inuukupa na ng mga nasabing bolante ang kalsada sa kanilang pagtitinda na siya naman nagiging dahilan ng buhol buhol na trapiko sa lugar. (PIO Lucena/R.Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.