Kamakailan ay nagsagawa ng training seminar hinggil sa proper segragation at tinalakay din ang magiging tungkulin ng mga magiging eco-polic...
Kamakailan ay nagsagawa ng training seminar hinggil sa proper segragation at tinalakay din ang magiging tungkulin ng mga magiging eco-police.
Na dito ay maaaring makapag-ambag sa pagpapanatiling kalinisan sa lungsod.
Isinagawa naman ang nasabing aktibidad na ito sa 4th floor ng Lucena City Government Complex.
Kung saan ayon naman kay Rosie Castillo OIC ng City General Services Office sa panayam ng TV12 kamakailan ay binanggit nito na nasa mahigit sa isang daan ang naging participants dito mula sa Tricycle Operators and Driver’s Association sa lungsod ng lucena.
Ayon pa kay Castillo, pipili ang pamahalaan panlungsod sa mga miyembro ng todang ito na eco police at gagawin naman na model ang barangay ng 1 to 11 na dito aniya maglalagay ng eco police.
Sinabi pa ng OIC ng CGSO, itinuro sa ilang mga miyembro ng Todang ito kung ano ang gagawin nila kung sila ay eco police.
Dagdag pa nito na kung magtatagumpay ito ay iimplement ito sa iba pang mga barangay hanggang matapos dahil mayroon 25 barangay silang kinukulekta ng basura araw araw.
Samantalang sinabi ni Rosie Castillo, sa naging tugon naman ng sektor ng magtitricycle ay maglalagay sila ng maliit na basurahan sa kanilang tricycle.
Upang hindi na aniya itapon ng kanilang mga pasahero sa kalsada ang anuman basura.
Dahilan sa may kaukulang penalty ang mahuhuling magtatapon ng basura at maging ang tricycle na walang basurahan ay mabibigyan rin ng penalty.(PIO Lucena/Jayr Maceda)

No comments