(Editorial Cartoon by Albert I. Custodio) Editorial Buhat nang simulan ang kampanya laban sa droga at mga kriminalidad ng admi...
(Editorial Cartoon by Albert I. Custodio) |
Buhat nang simulan ang kampanya laban sa droga at mga kriminalidad ng administrasyong duterte. Araw-araw ay maraming tumitimbuwang na diumano ay tulak, durugista, rapist, holdaper, kawatan, o mamamatay tao.
Okay lang iyan. Dapat talaga pag-ibayuhin pa, para tuluyan nang mawala ang mga salot na iyan.
Sumunod, pinagdadampot ang mga tambay, na hindi naman ikinulong ng matagal kundi pinauwi na rin matapos pangaralan at ipatawag ang magulang.
Okay pa rin iyan. Bigyan ng leksyon ang mga tambay na iyan at gawing kapaki-pakinabang naman.
Nitong nakalipas na dalawang linggo, sunod-sunod ang pinaslang na mga lokal na opisyales.
Si Mayor Antonio C. Halili ng Tanauan City, Batangas ang una; sunod si Tinio, Nueva Ecija Mayor Bote; at isinunod naman si Trece Martires City, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.
Pinaslang, binaril, pinatay nang walang kalaban-laban.
Mismong mga taong nasasakupan ng mga pinaslang na opisyal ang nagsasabi na ang mga ito ay mabubuting tao, hindi protektor ng droga.
Bakit sila pinatay?
Sino ang pumatay, o nag-utos na paslangin sila?
Maraming naglalabasang haka-haka o kuro-kuro, na kesyo kalaban sa pulitika, away sa lupa, personal na alitan, nasagasaan sa anti-drug/criminalities camopaign ang sangkot sa pamamaslang.
Bagaman at patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ay wala pang malinaw na pahayag.
Nagkakaroon na raw diumano ng takot ang ilang mga local officials.
Sino ang makapagsasabi?
Ayon sa isang lumang awitin, “Tanging Diyos lamang ang nakakaalam...
At sana, huwag magpadala sa takot ang ating mga punong bayan. Magdasal na lang, mag-ingat at huwag gumawa ng labag sa batas.
“Ang takot ay nasa isip lamang. Oras na...,” ayon naman sa awiting pinasikat ni Coritha.
Ipagpatuloy natin ang buhay. Maglingkod sa Diyos at sa tao.
Sampong (10) buwan na lang, eleksyon na naman. God help us.

No comments