Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ORIENTATION NG BASIC EMPLOYENT SKILLS TRAINING CAMP, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Mabigyan ang mga mamamayang Lucenahin ng oportunidad na makapagtrabaho, ito ang layunin ng isinagawang orientation activity sa LCGC kamakai...

Mabigyan ang mga mamamayang Lucenahin ng oportunidad na makapagtrabaho, ito ang layunin ng isinagawang orientation activity sa LCGC kamakailan.

Sa ibinabang proyekto ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program nito ay idinaos ang balidasyon ng mga interesado at inaasahang mga Lucenahin na makikiisa sa kanilang skills trainings upang makapagtrabaho.

Bukod dito ay isinagawa rin ang orientation sa dalawang obligated 2017 SLP skills training na Basic Employment Skills Training (BEST) Camp at ST Security Pre-Licensing Training Course.

Sa naging pahayag ni Levi Aderez, PDO II ng SLP- Lucena City, nagsilbing partisipante sa naturang gawain ang mahigit sa isang daang mga mamamayan na miyembro ng 4Ps at ang mga nasa mabababang sektor ng pamayanan.

Sa tulong na din ng mga nasa Pantawid City Links at mga miyebro ng SK Federation ay nakompleto na ang listahan ng mga posibleng kasali sa mga pagsasanay.

Layunin ng isinagawang validation na matiyak na mayroon pang mga sasali sa mga nasabing proyekto gayundin ay upang masuri ang mga ito base sa kani-kanilang kwalipikasyon.

Matapos ito ay nakatakda silang dumalo sa BEST Camp upang ihanda sila at magkaroon sila ng hands on training at actual experience sa industriya ng pagtatrabaho.

Bahagi din ng mga trainings ang pagtalakay sa mga paraan ng paggawa ng tamang resume, tamang pagsagot sa job interview, value development at work ethics.

Ang Investment Capital Corporation of the Philippines o ICCP Group ang naging pre-identified partner ng SLP na kung saan sila rin ang facilitator ng trainings.

Ito din ang isa sa mga maaaring magbigay ng trabaho sa kanila kung sakaling maipasa nila ang qualification requirement ng kompanya dahilan sa ito din ang may hawak sa Light Industrial Science Park sa bansa.

Inaasahan naman ang katagumpayan ng nasabing aktibidad gayundin ang patuloy na pagpapaunlad sa employment rate ng lungsod at ng mga naninirahan dito. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.