“Nalalapit na po ang pagkakaroon ng fiber optic sa buong lungsod ng Lucena.” Ito ang naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa gi...
“Nalalapit na po ang pagkakaroon ng fiber optic sa buong lungsod ng Lucena.”
Ito ang naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ginanap na flag raising ceremony hinggil sa pagkakaroon ng nasabing instrumento na siyang magpapabilis ng komunikasyon sa lungsod ng Lucena.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, isang malaking tulong ito para na rin sa tanggapan ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office upang mamonitor ang kalalagayan ng ating lungsod kapag nagkaroon ng sakuna.
Dagdag pa ng alkalde, sakaling magkaroon na ng ganitong uri ng kagamitan, magkakaroon na tinatawag na “eagles eye” na kung saan ay makikita na ang kalalagayan ng Lucena dahil dito.
Ang pagkakaroon ng fiber optic sa buong lungsod ng Lucena ay matagal nang pinapangarap ni Mayor Dondon Alcala dahilan sa pagnanais nito na mamonitor ang katatayuan ng lungsod sa anu mang uri ng trahedya.
Ito ay upang maging alisto ang lahat at madaling mailigtas ang mga nangangailangan ng tulong bukod pa sa iba pang maaring pagkagamitan nito. (PIO Lucena/R.Lim)

No comments