Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAGLIPAT NG ILANG MGA BOLANTENG MANININDAHAN MULA SA PAYA, MALAKI ANG NAITULONG SA MGA ITO AYON SA PUBLIC MARKET ADMINISTRATOR

MAS NAPABUTI ANG LAGAY NG NEGOSYO NG MGA BOLANTENG MANININDAHAN NA NAGMULA SA PAYA MULA NANG NABIGYAN ANG MGA ITO NG PAGKAKATAONG MAGKAROON...

MAS NAPABUTI ANG LAGAY NG NEGOSYO NG MGA BOLANTENG MANININDAHAN NA NAGMULA SA PAYA MULA NANG NABIGYAN ANG MGA ITO NG PAGKAKATAONG MAGKAROON NG SARILING PWESTO SA BAGONG PAMILIHANG PANLUNGSOD NG LUCENA, ITO ANG NAGING PAHAYAG NG PUBLIC MARKET ADMINISTRATOR NA SI NOEL PALAMOR.

MATATANDAANG ANG PAYA AY ISA LAMANGBAKANTENG LOTE NOON KUNG SAAN INILIPAT PANSAMANTALA ANG MGA MANININDAHAN MULA SA LUMANG PALENGKE NANG ITO’Y MAABO SA SUNOG NOONG TAONG 2014.

SA PAGTATAYO NG BAGONG MALL MARKET, HINDI LANG ANG MGA LEHITIMONG MANININDAHAN ANG NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MAKAPAG HANAP-BUHAY MULI NANG MAAAYOS DAHIL DININIG NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG APELA NG MGA BOLANTE NA BIGYAN RIN SILA NG PAGKAKATAONG MAGKAROON NG PWESTO SA NAPAKARAMING BAKANTENG STALLS DITO.

AYON KAY PALOMAR, NAGSISILBING PATUNAY DITO ANG PAGTAAS NG KOLEKSYON NG CITY TREASURER’S OFFICE MULA SA HALAGANG P2000 PISO KADA ARAW NA UMAKYAT NA NGAYON SA HALAHAGANG P5000 PISO HANGGANG P7000 PISO KADA ARAW.

BASE SA NAGING OBSERBASYON NI PALOMAR, HINDI UMANO KAKAYANIN NG MGA NASABING BOLANTE NA MAKAPAGBAYAD NG UPA SA PWESTO KUNG HINDI LUMAKI ANG KITA NG MGA ITO.

ISA ANIYA SA MGA POSIBLENG RASON NITO AY ANG TULOY-TULOY LAMANG NA PAGTITINDA NG MGA NEGOSYANTE NANG HINDI INIINDA ANG PANAHON.

NOONWALA PA ANG MGA ITONG PERMANENTE AT MAAYOS NA PWESTO, SA TUWING UMUULAN AY KAKAILANGANIN PA NG MGA BOLANTENG MAGSILIKAS O UMALIS SA KANI-KANILANG PWESTO.

MAY MGA PAGKAKATAON RIN UMANO NA NAAANTALA ANG PAGAHAHANAP-BUHAY NG MGA ITO SA TUWING NAGSASAGAWA ANG TRAFFIC ENFORCEMENT SECTION NG KANILANG OPERASYON KUNG SAAN KINAKALANGAN NG MGA BOLANTENG MANININDAHAN NA UMALIS UPANG HINDI MAHULI.(PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.