Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAGTATANIM NG MGA BAKAWAN, PAGTATANIM DIN NG PAG-ASA AYON KAY BARANGAY TALAO TALOA CHAIRMAN REIL BRIONES

Kaisa sa taunang selebrasyon ng Arbor Day sa lungsod ng Lucena ay isinagawa ang sabayang pagtatanim ng mga bakawan sa Purok Masagana II, Ba...

Kaisa sa taunang selebrasyon ng Arbor Day sa lungsod ng Lucena ay isinagawa ang sabayang pagtatanim ng mga bakawan sa Purok Masagana II, Barangay Talao talao kamakailan.

Dito ay dumalo ang ilan sa mga Pribadong sektor sa lungsod at ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Fire Protection, mga representante mula sa DENR, mga bagong halal ng Barangay at SK Officilas at ang mga kawani ng pamahalaang panlungsod na matatandaang inoobliga ng City Department of Interior and local government na makiisa.


Gayundin ang maritime at Coast Guard at ang mga mag-aaral na nasa senior high school sa lucena dalahican national high school at estudyante mula sa dalubhasaan ng lungsod ng Lucena upang magkaroon sila ng kamalayan sa kahalagahan ng pagtatanim.

Kaugnay nito, sa naging pahayag ni Kapitan Reil Briones ng Barangay Talao-talao, ay nagpasalamat ito sa mga nakilahok sa aktibidad at sa pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala para sa pagkakaroon ng pagkakataon na mapili ang kanilang barangay upang pagdausan ng naturang Gawain.

Nagbigay pasasalamat din ito sa mga miyembro ng konseho kabilang sina Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, Konsehal Anacleto Alcala III, Konsehal Vic Pauolo at Konsehal Nilo Villapando na tumulong sa pagsasakatuparan ng aktibidad.

Dagdag pa ni Briones, ang pagtatanim ng mga mamamayan ng bakawan sa Barangay Talao-talao ay maituturing din na pagtatanim ng pag-asa hindi lang para sa kanilang komunidad kundi pati na rin sa buong bansa.

Ibinahagi din dito ni Konsehal Llaga ang isang kasabihan na maaari tayong mag-iwan ng alaala sa bansa sa pamamagitan ng dalawang bagay, ang magsulat ng libro at ang magtanim ng puno.

Dahilan nga aniya mas madali ang pagtatanim ng mga puno, gawin nawa ito aniya ng lahat ng naging kalahok hindi lang sa panahon ng Arbor Day kundi maging sa pang-araw-araw na Gawain.

Tinatayang hindi bababa sa sampung libong seedlings at propagules ng bakawan naman ang naitanim sa aktibidad na sama-samang pinagtulong-tulungan ng nasa isang libo dalawang daan hanggang isang libo limang daang katao.(PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.