Isang positibong balita ang inilahad ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang panlungsod kamakailan. Ito ay...
Isang positibong balita ang inilahad ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang panlungsod kamakailan. Ito ay ang positibong resulta ng kanilang pakikipagpulong sa presidente ng Social Housing Finance Corporation o SHFC na si Atty. Arnulfo Ricardo Cabling hinggil sa itatayong mga tenement buildings sa lungsod.
Kasama rin ng alkalde sa kanilang pagtungo sa opisina ng SHFC sa Marikina City sina Councilor Anacleto Alcala III, Urban poor Affairs Division Head Lerma Fajarda, City Engineer Rhodencio Tolentino, City Legal Officer Atty. Shiela De leon, at Assistant City Legal Officer Atty. Ferdinand Lagman.
Ang pakikipagpulong nilang ito ay upang ipresenta ang ilang mga dokumento at makapag-present ng ilang mga detalye hinggil sa binabanalak na limang tenement buildings na itatayo sa bahagi ng Brgy. Marketview.
Kaniya ring pinasalamatan ang head ng UPAD na si Lerma Fajarda at City Engineer Ronnie Tolentino sa ginawa ng mga ito upang maging maayos ang kanilang isinagawang presentasyon at sa maagang pagtatapos ng mga kinakailangang dokumento para dito.
Ayon kay Mayor Dondon Alcala, isa rin sa mga naging mahirap na requirements ay ang paghahanap ng mga set of officers ng bawat buildings na siya namang nakumpleto ng hepe ng UPAD at nang presidente ng Federation of Urban Poor na si Digna Bacia gayundin ang pagkakakumpleto ni Engr. Tolentino ng mga cost estimate at program of works para sa nasabing proyekto.
Dagdag pa rin ng alkalde,dahilan na rin sa katuwaan ni Atty. Cbaling at batay sa tala ng naturang tanggapan, ang lungsod ng Lucena ang pangalawa pa lamang sa lahat ng local government sa buong bansa ang lubos na tinututukan ang ganitong uri ng programa.
Ayon pa rin kay Mayor Alcala, aabot sa tinatayang aabot sa 700 mga informal settlers sa lungsod ang maninirahan dito na aniya ay may “thumbs up” na grado para dito ang presidente ng SHFC at inaasahan rin ng alkalde na sa gagawing miting ng mga ito ay tunay na aarubahan na ang nabanggit na proyekto.
Ang nasabing propsed tennement building ay nagkakahalaga aniya ng nasa P75 million at ang kabuuang halaga ng 5 tennement building s na ito ay mahiaigt sa P370 million.
Isang magandang balita pa rin ang inihayag ni Mayor Dondon Alcala para sa mga nagnanais na tumira dito na kung sakali aniyang makakayanang bilhin ng mga ito ang nasabing tirahan ay maari nila itong hulugan hanggang maging kanila ito.
Isang magandang balita pa rin ang inihayag ni Mayor Dondon Alcala para sa mga nagnanais na tumira dito na kung sakali aniyang makakayanang bilhin ng mga ito ang nasabing tirahan ay maari nila itong hulugan hanggang maging kanila ito.
Ang pagtatayo ng naturang estabilsyemento ay isang programa ni Mayor Dondon Alcala na naglalayon na mabigyan ng maayos na tirahan ang mga informal settlers sa lungsod lalo’t higit ang mga naninirahan sa mga tabing ilog sa murang halaga at upang mailayo ang mga ito sa panganib na sakaling magkaroon ng trahedya sa kanilang tinitirahan. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments