“KAHIT NA PAULIT-ULIT NAMING LINISIN ITO, KUNG WALANG KOOPERASYON ANG MGA MANININDAHAN, THE PROBLEM WILL AWAYS BE THERE” ITO ANG BINIGYANG ...
“KAHIT NA PAULIT-ULIT NAMING LINISIN ITO, KUNG WALANG KOOPERASYON ANG MGA MANININDAHAN, THE PROBLEM WILL AWAYS BE THERE” ITO ANG BINIGYANG DIIN NG PUBLIC MARKET ADMINISTRATOR NA SI NOEL PALOMAR HINGGIL SA REKLAMONG NATATANGGAP NG KANILANG OPESINA TUNGKOL SA MGA NANGYAYARING PAGBAHA AT PAGDUDUMI NG PALENGKE PARTIKULAR NA SA FISH SECTION.
KATULAD NG IBA PANG MGA ORDINANSA NA IPINATUTUPAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN, HINDI MAGIGING MATAGUMPAY ANG ALINMAN SA MGA ITO KUNG WALA ANG TULONG AT PAKIKIISA NG BAWAT MAMAMAYAN. ITOANG PATULOY NA IDINADAING NI PALOMAR SA MADALAS NA PAGBAHANG NANGYAYARI SA PARTE NG FISH SECTION NG PUBLIC MARKET.
DAGDAG PA NITO, BAGAMAT MARAMI NANG MANININDAHAN ANG TUMALIMA SA KANILANG PANUKALANG ‘NO PLASTIC POLICY’ , MAYROON PARING MGA PASAWAY NA MANININDAHAN NA PATAGONG GUMAGAMIT NITO.
KADALASAN AY ITINATAGO LAMANG UMANO SA KANI-KANILANG MGA BAG O PANINDA AT INILALABAS LAMANG SA TUWING MAY BUMIBILI.
ISANG PATUNAY NA NGA RITO ANG ILANG KAHON NA PUNO NG MGA PLASTIC BAGS NA KANILANG NASASAMSAM SA TUWING NAG-IIKOT ANG KANILANG MGA EMPLEYADO SA PALENGKE. MGA MANINIPIS AT MAHUHUNANG PLATIC NA SUPOT NA KAPAG NASIRA’Y KADALASANG ITINATAPON NA LAMANG SA KANAL.
BUKOD PA RITO, IBINAHAGI NI PALOMAR NA MGA HASANG AT KALISKIS NG MGA ISDA ANG ISA PA SA MADALAS NILANG MAKUHA SA TUWING NAGLILINIS ANG KANILANG OPESINA NG MGA NAGBABARANG KANAL.
BAGAY NA MATAGAL NA RESPONSIBILIDAD UMANO NG MGA MANININDAHAN NA ILAGAY SA KANI-KANILANG MGA SUPOT O TIMBA UPANG HINDI MAGING DAHILAN AT MAKARAGDAG SA PAGBARA NG KANAL NA NAGIGING SANHI NG PAG-APAW NG TUBIG SA AT PAGBAHA.
KAUGNAY NITO , UMAPELA SI PALOMAR SA LAHAT NG MGA MANININDAHAN NA NAIS RIN NG ISANG MAAYOS AT MALINIS NA PAMILIHAN NA TULUNGAN ANG KANILANG TANGGAPAN SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD SA MGA ALITUNTUNIN.
SAMANTALA, NAKIKIPAGTULUNGAN NA RIN UMANO ANG OPESINA NG PUBLIC MARKET SA TANGGAPAN NG CITY ENGINNERING UPANG BAGUHIN AT MAS PALAKIHAN NA ANG MANHOLE NANG SA GAYON, SAKALING MAGKAROON MAN NG PAGBABARA AY HINDI NA MAGIGING GANOON KADALAS. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments