TINATAYANG aabot sa 35,000 Tilapia Fry at Assorted Ornamental Fish ang ipinamahagi nina City Administrator Anacleto Alcala, Jr at City Ag...
Muling namahagi ang pamahalaan panlungsod ng mga Tilapia Fry at Assorted Ornamental Fishes sa ilang mamamayan lucenahin, tinatayang nasa 35,000 naturang mga isda ang ibinigay. Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa harapan ng Lucena City Government Complex. Na pinangunahan ni City Administrator Anacleto Jun Alcala Jr. at City Agriculturist Officer Melissa Letargo.
Ang mga napagkalooban ng Telapia fry ay hinati hati sa mga Fisherfolks sa lungsodnanagmula sa Barangay Ilayang Iyam, Brgy. 10, Brgy. Bocohan, Brgy. Mayao Castillo, Brgy. Ilayang Dupay, Brgy. Domoit, Brgy. Salinas, Brgy. Isabang, Brgy. Mayao Parada, Brgy. Marketview at Brgy. Ibabang Dupay.
Mayroon naman 5,000 telapia na ipinagkaloob sa Itubling River sa Bahagi ng Barangay Domoit, 5,000 rin sa Iyam River.
Ang mga Ornamental Fish naman ay ipinagkaloob sa East 3 Elementary School sa Barangay 10.
Samantalang bahagi ng Livelihood project ng pamahalaan panlungsod sa ilalim ng tanggapan ng panlungsod na agrikultura sa pamumuno ni Hepe nito na si Melissa Letargo ang pagkakaloob ng ng mga isdang ito para sa mga fisherfolks sa lungsod.
At ito naman ay sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources IV-A kung saan dito nirequest ang mga isdang ipinagkaloob sa mga Fisherfolks.
Sinabi naman ni Letargo, ang mga mangingisdang nabiyayaan ng mga Telapia Fry ay regular na napagkakalooban ng pamahalaan panlungsod at ang mga ito naman ay naka pag-under go ng training tunggkol sa pag-aalaga at pagpapadami ng telapia.
At ang naturang proyekto na nabanggit ay siya na rin atas niMayor Dondon Alcala sa opisina ng City Agriculturist na ang tangging hanggad ay upang matulong ang mga mangingisda sa pang-araw araw nilaat maitaas ang antas ngpamumuhay ng mga ito.
Kaya naman patuloy sa pamamaraan ang lucena government ng pag-iisip ng iba pang maitutulong sa mga fisherfolks sa lungsod ng lucena. (PIO-Lucena/J. Maceda)
No comments