Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PANTAY NA OPORTUNIDAD PARA SA PAGTATRABAHO NG MGA PWDs, ISINUSULONG NI KONSEHAL SUNSHINE ABCEDE-LLAGA

Idinaos kamakailan ang isang pampublikong pandinig hinggil sa Person with Disabilities Code ng lungsod sa pangununa ng Committee on PWD. Ka...

Idinaos kamakailan ang isang pampublikong pandinig hinggil sa Person with Disabilities Code ng lungsod sa pangununa ng Committee on PWD.

Kaugnay nito, inilahad dito ang iba’t ibang karapatan ng mga natatanging sektor ng lipunan sa iba’t ibang aspeto kabilang na ang pagkakaroon ng pantay na oportunidad para makapag-aral at makapagtrabaho.

Sa naging panayam ng TV12 kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, inilahad nito na patuloy ang pagpapaigting ng kanilang komitiba ng mga bagay na ikabubuti ng mga nasa natatanging sektor ng lipunan.

Nakasaad kasi sa section 8.2 o ang Promotion of Employment and Livelihood Opportunities ng nasabing ordinansa na kinakailangan masiguro ng lungsod na naisusulong ang disability-inclusive employment opportunities o ang karapatang makapaghanapbuhay ng mga PWDs.

Gayundin ang karapatang makapagtayo ng kanilang negosyo at makasali sa mga kooperatiba.

Bagamat masasabi sa ngayon na nahihirapan ang mga PWDs na makakuha ng trabaho dahilan na din sa kanilang kondisyon ay ninanais pa rin ng komitiba na magsagawa ng mga skills and training programs upang mahasa ang mga talento at kakayahang taglay nila na maaari nilang ipagmalaki sa mga employers.

Ayon na din ito sa nakalagay pa rin sa ordinansa na sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ay kinakailangang magimplementa ng mga measures na magkakaloob sa mga PWDs ng vocational guidance and counselling.

Dagdag pa ni Llaga, siguro aniya ay mayroong mga kapansanan ang mga ito ngunit, hindi maipagkakailang mayroon din silang tinataglay na kagalingan sa ibang aspeto.

Ayon pa kay Llaga, sa tulong ng pamahalaang panlungod ay ninanais din ng komitiba na makipag-ugnayan sa mga negosyante sa lungsod para mabigyan ang mga ito ng posisyon sa kanilang establisyemento.

Inaasahan naman ang pagsasakatuparan ng lahat ng mga planong programa at proyekto para sa natatanging sektor ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.