Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PERSON WITH DISABILITY AFFAIRS OFFICE HEAD CRISTY FERNNADEZ, INILAHAD ANG MGA PROGRAMA NG PAMAHALAANG PANLUNSOD PARA SA MGA NATATANGING SEKTOR

Sa naging pahayag ni Person with Disabilities Affairs Office Head Cristy Fernandez na isa din sa miyembro ng Lucena City Council on Disabil...

Sa naging pahayag ni Person with Disabilities Affairs Office Head Cristy Fernandez na isa din sa miyembro ng Lucena City Council on Disability Affairs, inilahad nito ang lahat ng mga programa ng pamahalaang panlungsod para sa mga PWDs.

Sa tulong ng LCCDA kaisa ang City Social Welfare and development, PDAO at ang Natatanging Sektor ng may Kapansanan ng lungsod ng Lucena Inc. ay matagumpay na naisasakatuparan ang lahat ng mga ito.

Ang LCCDA ay ang nagsisilbing extended arm ng CSWD na nagpaplano at sumisiguro na naiimplementa ang lahat ng mga programa para sa natatanging sektor sa pamamagitan ng Persons with Disabilities Office.

Matatandaang nagpasa ng resolusyon ang konseho na kung saan himhiling ito na mag organisa an City COMELEC ng isang special registration para sa mga PWDs na nasa edad na para makaboto.

Gayundin ay nakakamtam na ng mga ito ang kanilang birthday cash gift at discount ID tulad ng sa mga senior citizens na may mga booklets din.

Ipinamahagi din ang ilang mga assistive devices kabilang ang mga wheelchairs, crutches, walkers at iba pa para sa mas komportable nilang paggalaw.

Nabanggit din dito ang isinagawang profiling project ng konseho sa pangunguna ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng Committee on PWDs.

Gayundin ang isinagawang mending faces surgical mission para sa mga may cleft pallet na sa edad pa lamang ng apat na buwan ay maaari na silang makapagpaopera.

At anuman aniya ang kailangan ng mga ito pagadating sa aseto ng medikal ay palaging nakahanda ang City Health Office na nagbibigay ng priority lane para sa kanila.

Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa limang libong PWDs mayroon ang lungod na nabibilang sa anim na kategorya kabilang ang psychosocial, intellectual, mental, visual, hearing at orthopaedic disability.

At para naman sa mga nagnanais pang mailahok sa mga programa at proyekto para sa mga PWDs, kasalukuyan nilang ipinagdiriwang ang ika-40 na anniversary celebration ng national disability prevention na may temang kakayahan, kasanayan sa kabuhayan tungo sa kaunlaran.

Kabilang sa mga inaasahang aktibidades ay ang livelihood seminars hatid ng Department of Trade and Industry at Sustainable Livelihood Program ng DSWD Region 4-A, orientation training para naman sa mga frontline service provider sa tulong ng City Human Resources Department at libreng pet grooming para sa mga alagang hayop ng mga PWDs sa lungsod.

Katatapos lang naman ng cooking demo and gardening para sa mga ito sa pamamagitan ng CHO at CSWD, at ang pagsasapubliko ng proyekto ng PDAO kaisa ang SK Federation na Craft out of recycled products na kung saan maaaring magkaroon ng hanapbuhay ang mga PWDs sa pamamagitan ng paggawa ng mga papel na bags at makakatulong pa sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.