Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

POST EVALUATION MEETING NG PASAYAHAN SA LUCENA EXECUTIVE COMMITTEE ISINAGAWA

Isinagawa kamakailan ang Post evaluation meeting ng mga miyembro ng executive committee ng idinaos na Pasayahan sa Lucena 2018 sa pangungun...

Isinagawa kamakailan ang Post evaluation meeting ng mga miyembro ng executive committee ng idinaos na Pasayahan sa Lucena 2018 sa pangunguna ng Chairman nito na si Arween Flores.

Dito tinalakay ang mga naisakatuparan at mga bagay na napagtagumpayan sa loob ng isang linggong pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidades.

Kabilang na dito ang National TV coverage ng Umagang kay Ganda na itinuturing na kick off activity kung saan naging tampok ang longest noodle boodle fight na inaasahan ng lungsod na makakapasok sa guiness book of world record.

Gayundin ang mga mas pinaganda at pinaghandaang patimpalak kasama ang mga naggagandahang kandidata ng Bb. Pasayahan 2018 at mga Singing Lolo and Lola finalists.

Ilan pa ay ang cosplay, chami eating and cooking contest, lucena’s top talent, flores de mayo at ang Mayor’s night.

At ang grand parade na siyang pinaka highlight ng selebrasyon na mas pinalaki ang papremyo para sa mga contests na bahagi nito partikular na sa float competition, Street dancing Competition, Carnival Queen at ang Pandong Contest.

Ayon naman kay BPLO Head Julie Fernandez na siyang chairperson ng Float Competition, naging malaking kaambagan din ang hindi pagsali ng SM City Lucena sa naturang labanan dahilan sa mas madami ang naengganyo na sumali dito.

Binanggit din dito ang mahusay na partisipasyon ng ilang mga tanggapan na nagtulong tulong upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kapayapaan sa Pasayahan.

Kasabay din nito ay ang paglalahad sa ilang mga bagay na kinakailangan pang mas bigyan ng pansin, pagbutihin at isaayos.

Sa huli ay Nagpalitan ang lahat ng dumalo sa meeting ng kani-kanilang mungkahi at suhestyon para sa mga posibleng solusyon at paraan para dito at para mas mapaganda pa ang mga susunod na taon ng pagdiriwang ng kapistahan.

Gayunpaman ay pinuri at pinasalamatan ng bawat isa ang naging partisipasyon ng lahat sa matagumpay na pagsasakatuparan ng pagdiriwang ng pasayahahn sa Lucena ngayong taon.(PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.