Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PUBLIC HEARING HINGGIL SA PERSONS WITH DISABILITIES CODE OF LUCENA CITY, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Matutukan pa ang bawat karapatang dapat taglayin ng mga nasa natatanging sektor ng lipunan, ito ang layunin ng isinagawang public hearing p...

Matutukan pa ang bawat karapatang dapat taglayin ng mga nasa natatanging sektor ng lipunan, ito ang layunin ng isinagawang public hearing para sa PWDs kamakailan.

Pinangunahan ang nasabing gawain ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng Committee on Social Welfare, PWDs, Senior Citizen, Women and the Family.

Dumalo dito sina Persons with Disabilities Affairs Office Head Cristy Fernandez at City Social Welfare Head Malou Maralit. At ilang sa mga kapitan ng mga barangay sa lungsod tulad nina Kapitan Edwin Napule ng Barangay Marketview at Kapitana Herminia Abuel ng Barangay 1 at mga representatives mula sa Barangay 8 at Barangay Ibabang Talim.

Imbitado rin ang ilan sa mga representante ng iba’t ibang organisasyon sa lungsod tulad ng Natatanging Sektor ng may Kapansanan Lucena Inc., Kiwanis Hiyas ng Quezon Division at iba pa.

Sa ginanap na public hearing inilahad ang mga usapin na nakapaloob sa 2018 Person with Disabilities code ng lungsod.

Tinalakay dito ang iba’t ibang polisiya hinggil sa nasabing ordinansa at ang mga karapatan ng mga nasa natatanging sektor tulad ng pagkakapantay pantay at non-discrimination aspect, ang pagkakaroon ng oportunidad para makapag-aral at makapag-trabaho sa larangan naaangkop sa PWDs.

Gayundin ang mga karapatan at benepisyong tinatangkilik ng mga ito lalo’t higit sa aspetong medikal tulad na lang libreng pagpapakonsulta, mga gamut at mga kagamitan makakatulong sa kanila tulad ng wheelchairs, stretchers, saklay at mga tungkod.

At ang karapatan na tumira sa maayos at mapayapang komunidad na pagkakalooban sila ng social protection, public safety at Malaya sa anumang karahasan.

Nagpalitan din ng suhestyon at mga hinaing ang lahat ng nakilahok. Natapos naman ang pampublikong pagdinig ng matagumpay at sa huli ay inaasahan ang tuloy-tuloy na pagpapatupad at pagsasagawa ng mga programa para sa mas ikabubuti pa ng mga natatanging sektor ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.