SA PAGPAPATULOY NG ONE HEALTH WEEK NG PROGRAMA NG DEPED LUCENA NA OPLAN KALUSUGAN SA DEPED, KATULAD NG MGA NAUNANG PROGRAMANG PANGKALUSUGAN...
SA PAGPAPATULOY NG ONE HEALTH WEEK NG PROGRAMA NG DEPED LUCENA NA OPLAN KALUSUGAN SA DEPED, KATULAD NG MGA NAUNANG PROGRAMANG PANGKALUSUGAN, SA TULONG NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PANGUNGUNA NI MAYOR DONDON ALCALA, MGA BRGY. OFFICIALS, CITY HEALTH OFFICE, CITY ANTI-DRUG COUNCIL AT LUCENA PNP, AY MATAGUMPAY RING NA IDINAOS KAMAKAILAN ANG ADOLESCENT REPRODUCTIVE HEALTH SYMPOSIUM AT NATIONAL DRUG EDUCATION PROGRAM SA IBA’T-IBANG PAARALANG SEKONDARYA SA LUNGSOD.
MATATANDAANG KAMAKAILAN AY INILUNSAD NG DEPED LUCENA ANG KANILANG PROGRAMA NA OK SA DEPED KUNG SAAN NAGKAROON NG SCHOOL BASED FEEDING PROGRAM, WATER, SANITATION, AND HYGIENE PROGRAM, PATI NA RIN NG MEDICAL, DENTAL , AND NURSING SERVICES SA ILANG MGA PAARALAN SA LUNGSOD NA MAY LAYUNING MATUGUNAN ANG ASPETONG PANGKALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL.
KAUGNAY NITO, SA KAGUSTUHANG MAGABAYAN ANG MGA KABATAAN LALO’T HIGIT ANG MGA ESTUDYANTE NG SEKONDARYA , KAMAKAILAN LANG AY MATAGUMPAY RING IDINAOS NG DEPED LUCENA NAG KANILANG REPRODUCTIVE HEALTH SYMPOSIUM PARA SA MAHIGIT SA 200 ESTUDYANTE NG GRADE 8 AT 9 NG GULANG-GULANG NATIONAL HIGHSCHOL IBABANG TALIM EXTENSION.
SA TULONG NG SYMPOSIUM, BINIGYAN NG KAUKULANG PANSIN ANG ISA SA PANGUNAHING PROBLEMANG KINAKAHARAP NG MGA KABATAAAN PAGDATING SA MAAGAP NA PAGBUBUTIS O TEENAGE PREGNANCY.
MAS NABIGYAN RIN NG KAALAMAN ANG MGA ESTUDYANTE NA NASA YUGTO NA NG PAGDADALAGA AT PAGBIBINATA TUNGKOL SA PERSONAL HYGIENE AT MGA MAGIGING PAGBABAGO SA KANI-KANILANG MGA KATAWAN SA PAGDAAN NG MGA ITO SA ADOLESCENT STAGE.
UPANG MAITANIM NAMAN SA ISIPAN NG MGA KABATAAN ANG MASAMANG DULOT NG PAG-GAMIT NG ILIGAL NA DROGA, PARTE RIN NG PROGRAMANG OK SA DEPED ANG PAGBIBIGAY NG NATIONAL DRUG EDUCATION PROGRAM SA 57 SCHOOL HEADS AT 57 GUIDANCE COUNCILLORS NG IBA’T-IBANG PAARALAN SA LUNGSOD NA GINANAP SA LUCENA EAST 1 ELEMENTARY SCHOOL, NA PINANGUNAHAN NAMAN NINA SPO1 ROSEMARIE ANGCANA NG LUCENA PNP AT HEPE NG CITY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL NA SI FRANCIA MALABANAN.
SA PAMAMAGITAN NG SUPORTANG IBINIBIGAY NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA DEPED LUCENA , INAASAHANG MATAPOS ANG MATAGUMPAY NA PAGLULUNSAD NG PROGRAMA NITONG OPLAN KALUSUGAN SA DEPED , SA LOOB NG ISANG TAON AY MAGIGING MATAGUMPAY RIN ANG IBA PANG MGA ESKWELAHAN SA PAGSUNOD AT PAGSASAGAWA MGA PAREHONG PROGRAMANG PANGKALUSUGANG HANDOG NG DEPED UPANG MAS MAPABUTI AT MAIAYOS ANG KINABUKASAN NG BAWAT MAG-AARAL. (PIO LUCENA/C. ZAPANTA)

No comments