Pinangunahan ng ama ng lalawigan na si Governor David C. Suarez kasama si DPWH Sec. Mark A. Villar at Mayor Ramon Preza ang isinagawang g...
by Nimfa L. Estrellado
TIAONG, Quezon - Winelcome ni Gobernador David C. Suarez ang patuloy na paglago ng konstruksiyon sa lalawigan, lalo na sa pagtatayo ng Tiaong Convention Center dito, na nakikita bilang isang paraan para palakasin ang mga aktibidad at paunlarin ang ekonomiya ng naturang bayan.
Pinasalamatan ni Suarez at Tiaong Mayor Ramon Preza, ang Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Mark A. Villar, naging panauhin sa ginanap na groundbreaking rites ng Tiaong Convention Center sa Barangay Lumingon nitong ika-23 ng Hunyo.
Ipinahayag ni Suarez ang pagpapahalaga sa malawak na suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Villar sa mga proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan - alinsunod sa programa ng “Build, Build, Build” ng Duterte.
Ayon kay Gob. Suarez, patunay lamang ang kaganapan na ito ng nararamdamang suporta ng pamahalaang panlalawigan mula sa pamahalaang nasyunal sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte alinsunod sa kanyang Build, Build, Build program. Aniya, pagkakataon rin ito upang patuloy pang pagtibayin ang kaunlaran ng lalawigan ng Quezon at mga karatig probinsya.
“Mahalagang i-develop ang Tiaong, it is the gateway of Quezon Province. It is important for Tiaong to have a convention center because it is a growing economic municipality. Having a legitimate convention center here will boost the economic activity of the municipality and also cater to the needs of Batangas and Laguna.” mensahe ni Gob. Suarez.
Binigyang-diin pa ni Villar na sa pamamagitan ng suporta ng DPWH, ang lalawigan ay maaaring matiyak ang tuluy-tuloy na pag-unlad at asahan ang mas maliwanag na kinabukasan para sa kanyang mga nasasakupan.
Inanunsyo rin ni Gob. Suarez ang inisyal na pondong 50 milyong piso para sa nasabing proyekto. Plano rin nila ni Mayor Preza na gawing government complex ang lupang ipinagkaloob ng pamahalaang lokal bukod sa itatayong convention center.
“Ito ay lupang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan. This will also be the government complex for Tiaong. Masaya ako dahil ito ay pagpapatunay na ang isa sa mga pangarap natin ay matutupad sa ating pagtutulungan.” ani Suarez.
Ang groundbreaking ng Tiaong Convention Center ay isa lamang sa mga proyekto na patuloy pang isusulong ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. David C. Suarez alinsunod sa kanyang Next 3, Best 3 Years ng panunungkulan.
Para naman kay DPWH Sec. Mark Villar, ang pagkakaroon ng mga karagdagang proyekto para sa lalawigan tulad na lamang ng bagong convention center para sa bayan ng Tiaong ay umpisa pa lamang ng patuloy na kaunlaran para sa Quezon.
Sinabi ni Villar na panauhing pinarangalan sa cornerstone-laying para sa convention center, ang pagdami ng mga proyektong imprastraktura sa lalawigan tulad ng bagong convention center sa bayan ng Tiaong ay ang simula lamang at maaaring magsulong ng pag-unlad sa lugar.
“Maswerte kayo dahil magaling ang gobernador ninyo at mayroon kayong progressive na mayor. Nakikita ko na napakalaki ng potensyal ng bayan ng Tiaong. Marami tayong proyekto ngayon para sa lalawigan ng Quezon na kasama sa build, build, build project ni Pangulong Duterte. Asahan niyo po na ang mga proyektong ito ay simula pa lamang.” ayon kay Sec. Villar.
Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Mayor Preza ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways at Gob. Suarez sa pagtupad ng isa sa mga proyekto na pangarap ng Tiaong.
“Very significant po ang araw na ito. Mapalad po ang buong segunda distrito dahil naganap na ang pangarap ng ating bayan. Dito magaganap ang meeting of minds dahil hindi lang taga-Quezon ang makikinabang dito ngunit pati ang mga taga-ibang lalawigan (This is a very significant day for us and the province’s second district is fortunate that the town’s dream has been achieved. Here, the meeting of minds will happen not only from among Quezonians who will benefit from this convention center but also those from other provinces),” pahayag ni Preza.
Ayon sa alkalde, ang mga plano ay naglalayong i-transform ang site sa isang local government complex sa pamamagitan ng pakikipagsosyo at kooperasyon sa mga stakeholder.
No comments