Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Seminar ng mga buntis sa F1K ng lungsod, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dumalo bilang panauhing pandagal sa isinagawang seminar ng mga buntis hinggil sa First 1000 Days o F1K ng lungsod si Mayor Roderick “Dondon...

Dumalo bilang panauhing pandagal sa isinagawang seminar ng mga buntis hinggil sa First 1000 Days o F1K ng lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Ginanap ang nasabing seminar sa multipurpose hall ng Lucena City Covernment Complex na kung saan ay tinatayang mahigit sa 100 mga buntis mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang nakibahagi dito.

Layon ng nasabing seminar na ipaliwanag sa mga ito ang programang F1K ng lungsod na kung saan ay itinuturo dito ang mga dapat gawin ng isang nagbubuntis na ina.
Sa maiksing programa na isinagawa dito at sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng buntis na dumalo sa nasabing okasyon sa ginawang pagtitiwala nito sa programang F1K.
Ipinaliwanag rin ng punong lungsod ang layon ng programang ito na kung saan aniya ay aalagaan ang lahat ng mga buntis at bibigyan ang mga ito ng Philhealth at sakaling manganak sila sa aprubadong lying-in center ng lungsod ay libre na ito sa mga gastusin.
Dagdag pa ng alkalde, ang F1K program ay nasa ilalim rin ng Bagong Lucena Health Program na kung saan ay mayroong mga propesyunal na doktor na susuri sa mga nabanggit na buntis.
Bukod sa libreng check-up ng mga ito, maging hanggang sa pagkapanganak nila ay mayroong mga libreng bakuna na ipagkakaloob sa mga nanay at sa kanilang anak.
Bukod sa ahensyang City Health Office, kautuwang rin aniya ng F1K ang City Social Welfare and Develeopment Office at City Agriculturist Office na siyang tutulong sa mga ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga livelihood projects upang magkaroon ang mga ito ng dagdag na kita habang sila ay nasa bahay lamang.
At bago pa man umalis sa nasabing semniar si Mayor Alcala ay nagkaloob pa ito ng ilang mga gamot at kagamitan para sa mga dumalong buntis dito.
Ang programang First 1000 Days ng pamahalaang panlungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Dondon Alcala ay nagsimula ng maupo siya bilang alkalde ng Bagong Lucena dahilan sa isa ang hanay ng mga kababaihan sa mga prayoridad na sektor na tinututukan ng kasalukuyang administrasyon sa pagnanais na ang lahat ng mga nagbubuntis na Lucenahin ay maging ligtas sa anumang kapahamakan lalo’t higit ang mga magiging anak ng mga ito. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.