Idinaos kamakailan ang isang summit para sa mga mamamayan na nasa nakatatandang sektor ng lipunan. Hatid ng United Bayanihan Foundation, In...
Idinaos kamakailan ang isang summit para sa mga mamamayan na nasa nakatatandang sektor ng lipunan.
Hatid ng United Bayanihan Foundation, Inc. o UBFI kaisa ang pamahalaang panlungsod at ang tanggapan ng Senior Citizens affairs sa pamumuno ni Salome Dato ay matagumpay na pinasinayaan ang Senior Citizen Summit sa lungsod ng Lucena.
Ang UBFI ay isanG Non-government organization para sa mga senior citizens sa Pilipinas at ang corporate foundation ng United Laboratories o Unilab.
Bawat barangay sa lungsod ay may kanya-kanyang representante na nakilahok sa nasabing Gawain.
Dumalo din sa aktibidad si Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng Committee on Senior Citizens, City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr at City Social Welfare and Development Head Malou Maralit.
Pinasimulan ang aktibidad sa pagbibigay ng mga palaro sa mga senior citizens na kung saan ay nahati sa dalawang bahagi. Ang una ay huhulaan ng mga ito ang pamagat ng kantang pinatugtog at ang ikalawa naman ay kagagamitan ng talas ng memorya at galing ng mga ito sa pagkwekwenta ng mga larawan ng mga perang iprinesenta.
Masaya namang sumagot at nakilahok ang lahat na kakikitaan ng katuwaan sa kanilang mga mukha.
Tinuruan din ang mga ito ng pagsasayaw ng zumba na magiliw namang ginagaya ng mga nakilahok.
Ang isinagawang aktibidad ay nagpapakita lamang na kahit may edad na ang mga mamamayan ng lungsod ay ito hindi ito hadlang para makilahok sila sa mga programa ng pamahalaang panlungsod.
Inaasahan naman ang patuloy pang pagsasagawa at pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga mamamayan na bahagi ng nakatatandang sektor ng lipunan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

No comments