Kagawad Nelbert John Villabroza-Lequin by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales Brgy. Iba. Dupay, LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Ngayon pa la...
Kagawad Nelbert John Villabroza-Lequin |
Brgy. Iba. Dupay, LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Ngayon pa lamang ay sinisiguro na ang bagong halal na Brgy. Kagawad sa Brgy. Iba. Dupay, Lungsod ng Lucena na si Kagawad Nelbert John Villabroza-Lequin na mas kilala sa palayaw nyang Kagawad Tiboy na matitikman ng kanyang mga kabarangay ang “Serbisyong totoo at abot hanggang dulong paglilingkod” dahil ito umano ang kanyang sinumpaan kapalit ng pagtitiwala at hiniram na kapangyarihan sa mga mamamayan.
Aniya, hindi niya bibiguin ang kanyang mga kabarangay lalo na sa Serbisyong Pampubliko bilang Chairman ng Committee on Public Service ng Pamahalaang Barangay ng Iba. Dupay.
Pagsisikapan umano ni Kag. Tiboy na mapabilis ang serbisyo ng pamahalaang barangay sa pamamagitan ng gagawin niyang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang sangay ng Local Government Units at ibang ahensya ng National Government kung kinakailangan dagdag pa ng Kagawad.
Sa kasalukuyan ay sinisimulan na nyang buuhin ang “FRIENDS OF TIBOY” para sa kanyang mga kabarangay upang dito ay masimulan nyang maipakita at maipadama ang quality ng serbisyong kanyang kampanya.
Samantala, si Kag. Tiboy Lequin ay anak ni dating Barangay Chairman at City Councilor Buena V. Lequin at ni Retired Col. Nelson R. Lequin na kasalukuyang Chief ng Security sa Provincial Capitol o ang Provincial Government Center ng Lalawigan.
Sa mensahe ay sinabi ni Brgy. Kagawad Tiboy Lequin na mananawagan sya sa kanyang mga kabarangay na suportahan nila ang isinulong na bagong gobyerno sa ilalim ng Federalism dahil naniniwala sya na dito magsisimula ang panibagong kasaysayan ng isang maunlad na bansa at pamahalaang makakatugon sa lahat ng pangangailangan ng kanyang mamamayan.
No comments