Sk Fed. Pres. Patrick Nadera LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sangguniang Kabataan o di kaya’y Sangguniang Korapsyon, ilan lang iyan sa mg...
Sk Fed. Pres. Patrick Nadera |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sangguniang Kabataan o di kaya’y Sangguniang Korapsyon, ilan lang iyan sa mga naging bansag para sa mga letrang s at k na di umano’y naglalarawan sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan. Ngunit sa pagbabalik nito sa Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Barangay matapos ang 5 taon, bilang SK Federation President, tinitiyak ni Patrick Nadera na ang mabahong reputasyon na ito ay mababago at di maglalaon ay mabibigyang nila ng hustiya ang mga salitang sanggunian ng mga kabataan.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang laganap na isyu ng korupsyon lalo’t higit sa mundo ng politika at hindi nakaligtas sa usaping ito ang Sangguniang Kabataan kung saan sinasabi ng marami na ito ang unang nagiging hakbangin ng mga politiko sa paggawa ng katiwalian.
Sa naging panayam ng tv 12 kay Nadera kamakailan ukol sa nasabing usapin, binigyang diin nito na ang dahilan ng nitong porma.
Mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon, nakatakdang ang 10 porsyento ng nakalaang pondo para sa bawat barangay ay mapupunta sa pangangalaga ng mga opisyal ng SK na syang gagamitin ng mga ito para sa mga proyekto at aktibidad para sa mga kabataan.
Ayon kay Nadera, noon ay nagiging balakid o di kaya’y pinagsisimulan ng di umano’y katiwalian ang kawalan ng kapangyarihan na tumayo sa sariling mga paa at magpatupad ng mga nakahaing proyekto ang mga opsiyal ng SK dahil sa pangingialam o di kaya’y paghadlang ng mga nakatatandang opisyales ng barangay.
Kaugnay nito, naniniwala si Nadera namagiging malaking katulungan upang matigil na ang mga katiwalian ang pagtataas ng kwalipikasyon pagdating sa edad ng mga tumakbong opisyal ng sk kung saan mula 15 hanggang 18 taong gulang ay ginawa na itong ng 18 hanggang 24 taong gulang.
Bukod umano sa matured na ang mga ito pagdating sa maraming aspeto, may kakayahan na ang mga bagong talagang lider na gumawa ng sariling mga desisyon na alam ng mga itong makabubuti para sa kanilang mga nasasakupan.
May sarili na rin umano ang mga itong opinyon pagdating sa mga bagay-bagay at higit sa lahat ay may pangil na upang ituro at supilin ang mga anumalyang kanilang nakikitana magiging daan upang gayundin maiiwasan ang pag-usbong ng ano mang anumalya.
Samantala, umapela si Nadera sa mga kapwa niya kabataan na maging aktibo hindi lang sa mga programang pangkabataan kundi pati na rin sa mga programa, proyekto at alituntuning ipinatutupad ng lokal na pamahalaan, gayunin, umaasa ito na sa pagbabalik ng boses ng mga kabataan sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Panlungsod, higit na magiging maigting ang pwersa ng kabataan na tiyak na magiging malaking tulong upang umunlad pang lalo ang Lungsod ng Lucena. (Pio Lucena/C.Zapanta)
No comments