Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SK FEDERATION PRESIDENT PATRICK NADERA, PORMAL NANG NAUPO BILANG EX-OFFICIO MEMBER NG SANGUNIANG PANLUNGSOD

DIWA NG TUNAY NA PAGBABAGO PARA SA BAYAN PATIKULAR NA SA MGA KABATAAN ANG HATID NG INIHAYAG NA PREBILEHIYONG TALUMPATI NG SK FEDERATION PRE...

DIWA NG TUNAY NA PAGBABAGO PARA SA BAYAN PATIKULAR NA SA MGA KABATAAN ANG HATID NG INIHAYAG NA PREBILEHIYONG TALUMPATI NG SK FEDERATION PRESIDENT NA SI PATRICK NADERA KASABAY NG PORMAL NA PAG-UPO NITO BILANG EX-OFFICIO MEMBER NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD SA ISINAGAWANG REGULAR NA SESYON KAMAKAILAN.

BAGO PA MAN PORMAL NA TANGGAPIN BILANG MYEMBRO NG SANGUNIANG PANLUNGSOD SI NADERA, KINAILANGAN MUNA NITONG IPRISINTA SA HARAPAN NG KONSEHO ANG MGA KAUKULANG PAPELES GAYA NG RESULTA NG NANGYARING SK FEDERATION ELECTION, GAYUNDIN ANG KATIBAYAN NG PANUNUMPA NITO SA TUNGKULIN BILANG PRESIDENTE NG NASABING PEDERASYON, PATI NA ANG PERSONAL DATA SHEET NITO AT STATEMENT OF ASSENTS, LIABILITIES AND NET WORTH O SALNUPANG MAGSILBING PATUNAY NA LEHITIMO AT KWALIPIKADO ITONG UMUPO BILANG MYEMBRO NG SANGUNIAN AT KUMATAWAN SA SANGUNIANG KABATAAN FEDERATION.

KASABAY NG PORMAL NA PAG-UPO NITO BILANG EX-OFFICIO MEMBER NG SP, INIHAYAG RIN NITO SA KONSEHO ANG KANYANG KAUNA-UNAHANG PREBILEHIYONG TALUMPATI.

UNA NITONG NAGPAHAYAG NG PASASALAMAT SA MGA TAONG NAGTIWALA SA KANIYANG KAKAYAHAN LALO’T HIGIT SA MGA KAPWA NIYA SK CHAIRMAN NA BATID NIYANG MAY KAPAREHONG MGA LAYUNIN AT ADHIKAIN PARA SA MGA KAPWA KABATAAN.

BINIGYANG PANSIN DIN NITO ANG ASPETO NG MORALIDAD NA DAPAT NIYANG TAGLAYIN BILANG REPRESENTANTE NG LAHAT NG MGA KABATAAN SA LUNGSOD.

ISANG LIDER NA HANDANG ALAMIN ANG MALI SA TAMA, ANG MAKATUWIRAN SA HINDI, AT KUNG ANO ANG PARA SA PANSIRILING KAPAKANAN AT KUNG ANO ANG PARA SA BAYAN.

LAMAN DIN NG PRIBELEHIYONG TALUMPATI NI NADERA ANG MGA ADHIKAIN AT MGA NAKALATAG NITONG PROGRAMA PARA SA MGA KABATAAN SA LUNGSOD NA NAKAPOKUS SA ASPETO NG PANGKABUHAYAN, PANGKALIKASAN, AT PANGPALAKASAN. TATLONG ASPETO NA TIYAK NA MABIBIGYAN NG SAPAT NA ATENSYON AT KAUKULANG AKSYON NGAYONG MAYROON NANG REPRESENTAYON ANG BOSES NG MGA KABATAAN SA SANGUNIANG PANLUNGSOD. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.