Sa naging panayam ng TV12 kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga kamakailan, inilahad nito na patuloy ang pag-iisip at pagsasagawa ng paraan at...
Sa naging panayam ng TV12 kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga kamakailan, inilahad nito na patuloy ang pag-iisip at pagsasagawa ng paraan at solusyon ng Committee on PWDs na kanyang pinamumunuan, para sa mas madaling sistema ng transportasyon ng mga ito.
Katulong din dito ang Person with Disability Affairs Office at ang pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala para sa buong suportang ipinagkakaloob nito sa nasabing usapin.
Ayon pa kay Llaga, madalas na nababanggit sa tuwing magsasagawa ng pagpupulong ang Lucena City Council on Disability Affairs na nahihirapan ang mga nasa natatanging sektor ng lipunan pagdating sa aspeto ng transportasyon.
Isa din ito aniya sa mga pangunahing hinaing ng mga mamamayan sa bawat barangay na kanilang pinuntahan sa kanilang profiling project.
Kaugnay nito, hindi naman nag-aatubili ang lahat ng miyembro ng komitiba at asosasyon para sa pagpapatupad ng programa at proyekto para sa ikakabenepisyo ng mga ito.
Matatandaang ilang buwan lang ang nakakalipas ay iprinesenta ang mga customized motorcabs para sa mas komportable at madaling paraan ng transportasyon ng mga PWDs.
Napagkaloob ang mga sasakyan na ito sa tulong na din ng pamahalaang panlungsod at ng national government sa pamamagitan ng Bottoms up budget.
Dagdag pa ni Llaga, dahilan sa miyembro din ng LCCDA ang mga Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator sa Lucena o PISTOL, ipinarating na din ng konseho ang ilan sa mga hinaing ng mga PWDs tulad ng paglalagay ng mga karagdagang hagdan na aapakan ng mga pasahero upang mas madaling makaakyat sa mga pampublikong sasakyan.
Sa ngayon aniya ay inaayos na ng Natatanging Sektor ng may kapansanan sa lungsod ng Lucena Incorporated o NSKLLI ang mga patnubay at Sistema sa paggamit ng mga PWD-friendly vehicles. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

No comments