Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

TASK FORCE BANGKETA, NAIS BUHAYING MULI NG LOKAL NA PAMAHALAAN

UPANG MATUGUNAN ANG PROBLEMA SA TRAPIKO SA LUNGSOD LALO’T HIGIT SA MGA KALYE SA KABAYANAN, INILALATAG NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG PLANON...

UPANG MATUGUNAN ANG PROBLEMA SA TRAPIKO SA LUNGSOD LALO’T HIGIT SA MGA KALYE SA KABAYANAN, INILALATAG NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG PLANONG PAGBABALIK AKSYON NG TASK FORCE BANGKETA.

HINDI LINGID SA KAALAMAN NG MARAMI ANG PROBLEMANG KINAKAHARAP NG LUNGSOD SA TRAPIKO AT TUNGKULIN NG LOKAL NA PAMAHALAAN NA HUMANAP NG SOLUSYON UPANG MAIBSAN ITO, AT ISA SA MGA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGBIGAT NG DALOY NG TRAPIKO AY ANG MGA OBSTRACTION O MGA BAGAY NA NAKAHARANG SA MGA LUGAR NA DAPAT AY BAKANTE KATULAD NG MGA SIDEWALK AT STREET VENDORS NA MADALAS AY UMOOKUPA NA NG MALAKING BAHAGI NG MGA KALSADA AT SIDEWALKS NA NAGIGING SANHI NG PAGSIKIP AT PAGBAGAL NG DALOY NG TRAPIKO.

KAUGNAY NITO, SA PANGUNGUNA NI CITY ADMINISTRATOR ANACLETO JUNE ALCALA AY MATAGUMPAY NA IDINAOS ANG ISINAGAWANG PAGPUPULONG KAMAKAILAN NA DINALUHAN NG MGA HEPE NG IBA’T-IBANG TANGGAPAN GAYA NG BUSINESS PERMIT AND LICENSURE OFFICE, CITY ENGINEERING OFFICE, CITY GENERAL SERVICES OFFICE, TRICYCLE FRANCHISING AND REGULATORY OFFICE, TRAFFIC MANAGEMENT SECTION AT LUCENA PNP.

TINALAKAY SA NASABING PAGPUPULONG ANG INISYAL NA PLANO AT SOLUSYONG NAIS NA PASIMULAN NG KOMETIBA PARA SA IKABUBUTI HINDI LANG NG TRAPIKO KUNDI MAGING NG MGA MANININDAHANG NAIS LAMANG NA MAGHANAP BUHAY.

ISA NA DITO ANG PAGKAKASUNDO NA IPASARA ANG BAHAGI NG PARKING LOT NG PALENGKE SA ITINAKDANG ORAS KUNG SAAN MAARING PUMWESTO ANG MGA AMBULANT VENDORS UPANG DOON MAGTINDA.

SA PANGUNGUNA NAMAN NG HEPE NG TREASURER’S OFFICE, NAPAGKASUNDUAN NG MGA HEPE NA HINDI NA MANGONGOLEKTA PA NG TICKET ANG PUBLIC MARKET SECTION MULA SA MGA AMBULANT VENDORS NANG SA GAYON AY MAIWASAN ANG PATULOY NA PAGTITINDA NG MGA ITO SA MGA KALSADA AT SIDEWALKS.

UMAPELA NAMAN NG DAGDAG NA MGA KAWANI ANG TRAFFIC ENFORCEMENT SECTION NA MAKAKATULONG NG LUCENA POLICE STATUON SA PAGPAPATUPAD NG MGA ORDINANSA PANLANSANGAN MULA ARAW NG LUNES HANGGANG LINGGO.

SAMANTALA, BINIGYANG DIIN NI CITY ADMIN ANG REGULARITY NG PAGPAPATUPAD AT PAG-AKSYON NG TASK FORCE BANGKETA SAKALING PASIMULAN ITONG MULI. IMINUNGKAHI NITO NA SA PAGKAKATAONG ITO, HINDI TULAD NG DATI, GAGAWIN NANG ARAW-ARAW ANG OPERASYON MULA UMAGA HANGGANG HAPON.

SA KABILA NG LAHAT, SINAALANG-ALANG NG KOMETIBA ANG DIREKTIBA NG PUNONG LUNGSOD NA SI MAYOR DONDON ALCALA NA HUWAG MAGING BAYOLENTE SA MGA MANINIDAHANG NAIS LAMANG NA MAGHANAP –BUHAY AT KUMITA NG PERA UPANG MAY MAIPANGTAWID SA PANG ARAW-ARAW. NABIGAYNG LINAW NA HANGGA’T MAARI AY DAANIN SA DIPLOMATIKONG PARAAN ANG PAGPAPASUNOD SA MGA ITO SA MGA ORDINANSA. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.