Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

TERMITE GANG, TINIRA ANG ISANG MALL

by Allan P. Llaneta TIAONG, Quezon - Muli na namang umatake ang kilabot na grupo ng termite gang sa isang mall sa Tiaong Quezon noong Huly...

by Allan P. Llaneta

TIAONG, Quezon - Muli na namang umatake ang kilabot na grupo ng termite gang sa isang mall sa Tiaong Quezon noong Hulyo 2.

Nilimas at natangay ng mga magnanakaw ang nasa kalahating milyong pisong halaga mula sa vault ng tatlong tindahan sa may City Mall Shopping Center sa may bahagi ng Sitio Bakahan,Barangay Lalig.

Ayon kay PCI Alejandro Ongquit, pasado alas 4:00 ng madaling araw ng makarinig nang ingay mula sa ilalim na bahagi ng Mall ang mga security guard na sina Erwin De Castro at Benjamin Oligario,agad itong inireport ng dalawang security guard sa himpilan

ng pulisya.

Agad namang nagtungo sa City Mall ang mga pulis sa pamumuno ni PCI Ongquit at natuklasan ng mga ito ang mga naiwan na gamit ng mga magnanakaw sa loob ng manhole na isang heavy duty hydraulic jack at soil container na may lubid kung saan ang mga kawatan ay naghukay sa ilalim ng semento patungo sa loob ng naturang mall.

Ang mga nanakawan na tindahan ay ang My Basic Clothes Line and Expression Shop,Rodeo Drive Clothes Line,at Watson Pharmacy.

Samantala ang kalapit na BDO Bank ay hindi naman nakuhang pagnakawan ng termite gang.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente ng nakawan at nirereview ng mga pulis ang mga CCTV ng City Mall upang makilala ang mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pagnanakaw.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.