Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

TFRO AT MGA PRESIDENTE NG TODA SA LUNGSOD, PATULOY ANG PAGGAMPAN SA KANILANG TUNGKULIN NA MANGHULI NG MGA PUMAPASADANG KOLORUM

ARAW-ARAW UMIIKOT SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG LUNGSOD AT GUMAGAMPAN SA KANILANG MGA TUNGKULIN NA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA HINGGIL SA PAMAMAS...

ARAW-ARAW UMIIKOT SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG LUNGSOD AT GUMAGAMPAN SA KANILANG MGA TUNGKULIN NA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA HINGGIL SA PAMAMASADA ANG TANGGAPAN NG TRICYCLE FRANCHISING AND REGULATORY OFFICE O TFRO KAISA ANG 33 PRESIDENTE NG TODA , ITO ANG NAGING PAHAYAG NG HEPE NG NASABING TANGGAPAN NA SI NORIEL OBCEMEA.

AMINADO MAN SI OBCEMEA SA MGA REKLAMO AT OBSERBASYONG NATATANGGAP NG KANILANG TANGGAPAN HINGGIL SA PATULOY NA PAGKAKAROON NG MGA NAMAMASADANG KOLORUM AT MGA NAMAMASADANG HINDI SUMUSUNOD SA COLOR CODING, TINITIYAK NAMAN NI OBCEMEA NA BAGAMA’T MALAKI ANG SUKAT NG LUNGSOD, SA TULONG NGMGA PRESIDENTE NG IBA’T-IBANG TODA, NABABANTAYAN NANG MABUTI NG KANILANG OPESINA ANG MGA LANSANGAN SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG LUNGSOD.

SAKALI MAN UMANONG, MAY MGA NAKAKALIGTAS PA RIN AT NAKIKITANG PATULOY NA LUMALABAG SA BATAS, TINIYAK NITO SA MGA LUCENAHIN NA BINABALIK-BALIKAN NG KANILANG GRUPO ANG MGA LUGAR AT KALSADA SA LUNGSOD UPANG MAHULI ANG MGA ITO.

PAGDATING NAMAN UMANO SA MGA NAHUHULING KOLORUM, SAKALING HINDI MAKAPAGBAYAD ANG MGA ITO NG MULTANG NAAYON SA ORDINANSA, SINISIGURO NAMAN NG KANILANG OPESINA NA MATATAGALAN SA IMPOUNDING AREA ANG MGA TRICYCLE NG MGA ITO NANG SA GAYON AY MADALA AT MAKABAWAS NA RIN SA DAMI NG MGA NAMAMASADA.

BUKOD RIN SA MAI-IMPOUND ANG TRICYCLE NG MGA MAHUHULING KOLORUM, KINAKAILANGAN RIN NG MGA ITONG MAGBAYAD NG P3000 PISO BILANG MULTA SA UNANG PAGLABAG, HALAGANG MAS LALAKI PA KUNG PATULOY NA MAGIGING PASAWAY.

SA MGA LUMALABAG NAMAN UMANO SA ODD-EVEN VOLUME REDUCTION SCHEME, IPINAALALA NI OBCEMEA NA BIBIGYAN LANG MUNA NG WARNING ANG MGA LALABAG SA UNANG PAGKAKATAON NGUNIT PAPATAWAN NA NG MULTANG P500 PISO KAPAG NAPANGALWAHAN NA.

GIIIT PA NG HEPE, SA KASALUKUYANG PANAHON AY HINDI NA ANGKOP NA PAIRALIN PA ANG PAGBIBIGAY NG LEKTUR O PANGANGARAL LAMANG SA MGA TRICYCLE DRIVERS KAPALIT NG 1STOFFENSE, PARA KAY OBCEMEA , SAPAT NA ANG 2 TAON UPANG MALAMAN AT TUMATAK SA MGA ISIP NG MGA NAMAMASADA ANG MGA IPINAGBABAWAL SA ORDINANSA. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.