PSUPT. Romulo Abacea by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ La Liga Pilipinas LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Isa na namang tulak ng illegal ...
PSUPT. Romulo Abacea |
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ La Liga Pilipinas
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Isa na namang tulak ng illegal ng droga ang nahuli sa buy bust operation ng mgaahente ng PDEA – Quezon at ng Lucena PNP - Drug Enforcement Unit sa superbisyon ni PSUPT. Romulo Abacea, ang kasalukuyang hepe ng Lucena PNP kamakailan. Ayon sa report,dakong alas singko ng madaling araw ng ikasa ang nasabing buy bust na pinamunuan ng mga ahente ng PDEA na sina William M. Dulay, Mark Jerome R. Almeyda at Jonathan Z. Platon sa Dalandan St. Brgy. Marketview, Lucena City.
Umaktong puseur buyer ang mga ito sa tulong ng impormante at nakabili ang mga ito ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 0.05 gramo at ang 500 peso bill na ginamit sa buy bust operation. ₱Nagkakalahalaga ang nasabing shabu ng ₱15,000.00 na sinaksihan ni Brgy. Chairman Edwin Napule at ang kasamahan natin sa Media na si Tony Sandoval na kumakatawan sa halal na opisyal at Media Representative. Kakasuhan ang nasabingsuspect na si Ronal Tolentino Calalang, 38 years old, single, walang trabaho at residente ng nasabing lugar sa paglabag ng Section 5 at Sec. 11 ng RA 9165.
Ang suspect ay kasalukuyang nasa kustudiya ng PDEAMGA PUSHER SA LUCENA, NAUUBOS NA BA?Sa patuloy na kampanya ng kapulisan sa lungsod at sa napapabalitang nahuhuling mga pushers ay isang concerned citizens ang nagtatanong, “ Mga Pushers sa Lucena nauubos na ba? Bilang sagot ng Lucena PNP, huli at patay ang pushers kamakailan sa pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Lucena PNP-DEU at ng mga ahente ng PDEA. Tiklo sa bitag at napatay ng mga pulis na itong si Reynaldo Buhay –Falcon alyas Loloy, 52 years old ng Purok Bagong Buhay Brgy. Cotta, lungsod ng Lucena.
Huli rin itong Homer De luna-Refran, alyas Homer ng Gomez St.Brgy. 4 Lucena City. Sa nasabing mga operasyon ay kasama rin ang Provincial Drug Enforcement Unit at PDEA Reg-4A at Lucena PNP. Nakuha sa mga suspect ang 5 sachet ng shabu na may timbang ng 1.26 grams at nagkakahalaga ng ₱2,331 pesosat 130gramo, 500 peso bill na ginamit bilang Mark Money.
Ayon kay PSupt. Norman T. Rañon, hepe ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni PSInsp. Romer Pasis ang Deputy PDEU kasama ang Lucena PNP-DEU sa superbisyon ni Psupt. Romulo A. Albacea ang hepe ng Lucena PNP. Samantala sa panayam ng Sentinel Times Weekly kamakailan kay Board Member at PPLB President Ferdinand “Ferlou” Llmas II ay sinabi niya na kailangangpaigtingin pa ang kampanya laban sa illegal na droga upang maisigurong wala ng pagkakataon pa ang mga drug pushers.
Nanawagan din itong si Bokal Ferlou Llamas sa kanyang kapwa ABC president sa buong lalawigan na suportahan ang kapulisan sa kanilang programa tulad ng Community Mobilization Program (CMP), ang Drug Abuse Resistance Education o DARE, ang project USAD o ang United Stand Against Dangerous Drugs, ang Tokhang Re-visited at ang Yakap Bayan sa pakikipagtulungan ng DSWD na ang layunin ay maging epektibong community leaders ang mga drug surrenderers. Sa kasalukuyang ay ipinapakita ni Bokal Llamasang isang halimbawa ng mabuting pinuno ng PPLB sa lalawigan sa pamamagitan ng pagiging masinop sa pondo ng Liga at ang pagiging transparent sa lahat ng transakyon sa nasabing tanggapan.
No comments