UPANG MARESOLBA ANG PROBLEMA SA PAGDAMI NG BASURANG PLASTIC SA LUNGSOD, BUKOD SA PAG-AAPRUBA NG SANGUNIANG PANLUNGSOD NG ORDINANSA TUNGKOL...
UPANG MARESOLBA ANG PROBLEMA SA PAGDAMI NG BASURANG PLASTIC SA LUNGSOD, BUKOD SA PAG-AAPRUBA NG SANGUNIANG PANLUNGSOD NG ORDINANSA TUNGKOL SA NO PLASTIC POLICY, NAIS RIN NI PUBLIC MARKET ADMINISTRATOR NOEL PALOMAR NA MAGPASA RIN NG BATAS ANG KONSEHO HINGGIL NAMAN SA TULUYANG PAGBABAWAL NG PAGTITINDA NG PLASTIC SA LUNGSOD.
MATATANDAANG ILANG BUWAN NA ANG NAKAKALIPAS NANG SINIMULAN NG PUBLIC MARKET ANG PAGPAPATUPAD NG NO PLASTIC POLICY. NGUNIT AYON KAY PALOMAR, SA KABILA NG PAGTALIMA NG KARAMIHAN AT MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG KANILANG OPESINA NG NASABING POLESIYA, PATULOY PARIN SILANG NAGKAKAROON NG PROBLEMA SA PLASTIC NA BASURA.
DAGDAG PA NITO, KAHIT NA BANTAYAN NILA ANG MGA MANININDAHAN AT KAHIT NA ILANG MALALAKING KARTON PA ANG MAPUNO NILA NG MGA NASASAMSAM NA PLASTIC MULA SA MGA PASAWAY NA MANININDAHAN,KUNG MAYROON PARIN ANG MGA ITONG NABIBILHAN, HINDING-HINDI MAGIGING MATAGUMPAY ANG LABAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PLASTIC NA BASURANG NAKASISIRA NG KALIKASAN.
AMINADO SI PALOMAR NA HINDI HAMAK NA MAS PABOR PARA SA MGA MANININDAHAN AT MGA MAMIMILI ANG PAGGAMIT NG PLASTIC NA SUPOT. KUMPARA KASI SA MGA MABIBIGAT AT KINAKAILANGAN MO PANG LABHAN NA ECOBAGS, SAKO BAGS, BAYONG, AT TUPPER WARE, DI HAMAK NA MAS MURA, MAGAAAN AT MAS KUMBENYENTENG DALHIN ANG PLASTIC NA SUPOT.
PLASTIC NA PAGDATING UMANO SA BAHAY AY NAPAKADALING SIRAIN AT ITAPON NA LAMAN.MGA SUPOT NA HINDI NATUTUNAW AT NABUBULOK LUMIPAS MAN ANG MATAGAL NA PANAHON.
PARA KAY PALOMAR, KUNG WALA NA UMANONG MGA ESTABLISYEMENTONG MAGTITINDA AT MABIBILHAN NG PLASTIC NA SUPOT, MAPIPILITAN NA ANG LAHAT NG MGA MAMIMILI AT MANININDAHAN NA GUMAMIT NG MGA REUSABLE BAGS NA TIYAK NA MAGIGING MALAKING KATULUNGAN HINDI LANG PARA SA KALIKASAN KUNGDI PARA NA RIN SA PANGKALAHATAN.
SAMANTALA, TULOY-TULOY PARIN ANG KAMPANYA NG PUBLIC MARKET LABAN SA PAGGAMIT NG PLASTIC NA SUPOT SA PAMAMAGITAN NG PALAGIANG PAG-PAPAALALA SA MGA MAMIMILI NG MGA LALAGYAN O SUPOT NA MAAARING DALHIN SA TUWING MAMIMILI GAYA NG ECO BAG, SAKO BAG, NET BAG , BAYONG, AT TUPPERWARE.(PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments