“ALINSUNOD DITO, PAMAMAHALAAAN NG PRIMEWATER ANG LAHAT NG MAY KINALAMAN SA INYONG STATEMENT OF ACCOUNTS LALO NA ANG PANININGIL SA INYONG NA...
“ALINSUNOD DITO, PAMAMAHALAAAN NG PRIMEWATER ANG LAHAT NG MAY KINALAMAN SA INYONG STATEMENT OF ACCOUNTS LALO NA ANG PANININGIL SA INYONG NAKONSUMONG TUBIG, SIMULA AGOSTO 1, 2018.”
ITO ANG BAHAGI NG PRIBILEHIYONG PANANALITA NA BINIGKAS NI KON. REY OLIVER ALEJANDRINO SA GINANAP NA REGULAR NA SESYON NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD KAMAKAILAN HINGGIL SA PINASOK NA JOINT VENTURE AGREEMENT NG QUEZON METROPOLITAN WATER DISTRICT AT PRIMEWATER INFRASTRUCTURE COROPORATION.
BIGLAANG ANUNSYO NA PARA KAY KONSEHAL BOYET ALEJANDRINO AY PAMBABASTOS SA KARAPATAN NG MGA KONSESYONARYO LALO’T HIGIT SA MGA LUCENAHIN NA MAY PINAKAMARAMING BILANG KUMPARA SA BILANG NG MGA KONSESYONARYO SA LUNGSOD NG TAYABAS AT MUNISIPALIDAD NG PAGBILAO NA NASASAKUPAN NG PATUBIG NG QMWD.
KAUGNAY NITO AY MAINIT NA TINALAKAY SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD ANG DINALANG USAPIN NI ALEJANDRINO HINGGIL SA DI UMANO’Y ILIGAL KUNG MAITUTURING NA JOINT VENTURE AGREEMENT SA PAGITAN NG DALAWANG KORPORASYON.
AYON DITO, ANG NASABING KASUNDUAN AY TALIWAS SA UMIIRAL NA BATAS SAPAGKAT AYON SA SECTION 3 B NG PRESIDENTIAL DECREE 198 O MAS KILALA SA TAWAG NA PROVINCIAL WATER UTILIZATION ACT OF 1973, ANG ALKADE LAMANG ANG MAY KARAPATAN NA MAGTALAGA NG MGA MYEMBRO NG BOARD OF DIRECTORS NG QMWD.
NGUNIT AYON UMANO SA NASABING KORPORASYON, ANG LUNGSOD NG LUCENA AY HINDI PA UMAAABOT SA 75 PORSYENTO NG MGA KONSESNSYONARYO NA NAGING DALHILAN KUNG BAKIT SA GOBERNADOR PUMATAK ANG KAPANGYARIHANG MAGTALAGA NG MGA MIYEBRO NG BORAD OF DIRECTORS NITO.
NGUNIT DAHIL UMANO SA PAGPAPAWALANG BISA NG KORTE SUPREMA SA NASABING PRESIDENTIAL DECREE, AT BATAY SA SECTION 29 NG 1991 LOCAL GOVERNMENT CODE, ANG ADMINISTRASYON, KAPANGYARIHAN AT MGA TUNGKULIN NG ISANG HIGHLY URBANIZED CITY GAYA NG LUCENA AY GAGAMPANAN NG MAYOR. AYON NA RIN UMANO SA PANGKALAHATANG SUPERBISYON NG PANGULO NG PILIPINAS ,WALANG KAPANGYARIHANG MAG-KONTROL SA MGA HIGHLY URBANIZED CITIES ANG GOBERNADOR.
BATAS NA AYON KAY ALEJANDRINO AY NAGPAPATUNAY NA ILIGAL NA ANG GINAWANG APPOINTMENT NG GOBERNADOR SA MGA MIYEMBRO NG BOD GAYUNDIN ANG ANOMANG PINASOK NA KASUNDUAN NITO.
AYON NAMAN SA IBA PANG MGA KONSEHAL, KUNG MALINIS AT MAGANDA ANG INTENSYON NG QMWD, MAGSASAGAAWA ANG MGA ITO NG PAMPUBLIKONG PANDINIG. KATULAD UMANO SA TUWING ANG ISANG PRIBADONG KOMPANYA GAYA HALIMBAWA NG MERALCO AY MAGTATAAS NG TARIPA SA KURYENTE O DIKAYA’Y PAPASOK SA ANO MANG BAGAY NA MAKAAAPEKTO SA MGA CONSUMER NITO, NATURAL LAMANG PARA SA KAHIT NA ANO MANG KUMPANYA ANG IPAGBIBIGAY ALAM ANG DETALYE SA MGA KONSESYONARYO NITO NANG SA GAYON AY HINDI MASAGASAAN ANG KARAPATAN NG MGA CONSUMER NA MALAMAN AT MAGKAROON NG PARTISIPASYON UKOL DITO. BAGAY NA DAPAT RIN UMANONG GINAWA NG QMWD LALO NA’T ISANG GOVERNMENT OWNED CORPORATION ITO.
SA PAGTALAKAY NG NASABING ISYU, IMINUNGKAHI NI ALJENDRINO NA IMBITAHAN ANG MGA BOARD OF CHAIRS NG QMWD AT PIC, GAYUNDIN ANG REPRESENTANTE MULA SA PROVINCIAL GOVERNMENT OF QUEZON AT MUNISIPALIDAD NG TAYABAS AT PAGPREPRESINTA NG NASABING JOINT VENTURE AGREEMENT UPANG MAGPALIWANAG AT MABIGYANG LINAW ANG NASABING ISYU. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments