Naging abala ang tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office nitong ika-22 ng Hunyo matapos isagawa ng kanilang ta...
Naging abala ang tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office nitong ika-22 ng Hunyo matapos isagawa ng kanilang tanggapan ang ilang mga aktibidad na may kaugnayan sa pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan sa selebrasyon ng World Environment Month para sa buwan ng Hunyo.
Kasama si Environmental Management Bureau (EMB) CALABARZON Dir. Noemi A. Paranada at si PG-ENRO Department Head Manuel Beloso, binisita nila ang ilang mga aktibidad sa pamahalaang panlalawigan na bahagi ng paggunita sa nasabing selebrasyon.
Kabilang dito ay ang solid waste management disposal, BJMP visit, pagpupulong kasama ang ilang mga department heads at chief of hospitals, QPLLENRO at PSWMB joint meeting, emission testing, IEC clean-up activities at tree planting.
Ikinatuwa ni EMB Regional Dir. Paranada ang proseso ng segregation sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon. Aniya, isang mabuting halimbawa ang ipinakita ng pamahalaang panlalawigan para sa iba pang local government unit.
Ibinahagi naman ni PG-ENRO Department Head Manuel Beloso ang hangarin ng ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez na patuloy pang pagtibayin ang pangangalaga sa inang kalikasan. Ito ay sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng gawain at sa pakikiisa ng bawat mamamayan sa komunidad.
Pinuri rin ni Paranada ang katangi-tanging liderato na ipinamalas ni Gob. Suarez sa pamamagitan ng mahusay na implementasyon ng proper solid waste management sa pamahalaang panlalawigan.
“To Gov. Jayjay, you have a very good leadership for the implementation of environmental law on solid waste management. It’s a very historic event here in Quezon specially sa solid waste management na ginagawa dito. I can recommend it for an award, ito ay dahil sa political will ng Quezon na pwede ring gawin ng ibang probinsya. Tayong lahat disiplina at political will lang, we can save our planet.” dagdag pa ni Paranada. (Quezon – PIO)
No comments