Tayabas City Mayor Ernida A. Reynoso by Ace Fernandez, Lyndon Gonazales @laligapilipinas Tayabas City - “Sa wakas ay maipagagawa ...
Tayabas City Mayor Ernida A. Reynoso |
by Ace Fernandez, Lyndon Gonazales @laligapilipinas
Ang ipapagawang City Hall di- umano ay moderno ang pasilidad subalit nakaugnay sa kanilang kultura at kasaysayan ang disenyo nito. Sa kabuuhang budget na P500 milyon ay P400 milyon umano ang nakalaan sa construction ng bagong City Hall P70 milyon sa landscaping at P30 milyong piso naman ang inilaan sa computer and computer system, office facilities at iba pang mahalagang aminities tulad ng purnitunes na bahagi ng interior designed ng nasabing City Hall. Siniguro ni Mayor Reynoso na matatapos sa loob ng 2-3 taon ang nasabing proyekto na isa sa pinkamahalagang legacy na iiwanan niya sa kanyang mga kababayan matapos ang kanyang panunungkulan bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Samantala, sa eklusibong panayam ng Sentinel Times Weekly kay Mayor Reynoso sa Gabi Ng Gawad Parangal sa mga natatanging Quezonian ay winika niya na ang Quezon Medalya ng Karangalan ay isang magandang adhikain dahil nakikita umano ng mga taga-lalawigan ang nagging kontribusyon ng mga nagsipagtanggap ng pagkilala at parangal. Nagsikap umano ang mga ito at maganda diumanong inspirasyon sila sa mga mamayan ng lalawigan.
Ayon naman kay Tayabas City Councilor Lovely Reynoso, Chairman ng Committee on Tourism ng Sanguniang Panglungsod na isang malaking bagay umano na magkaroon ng isang Tayabasin na binigyang parangal ng Quezon Medalya ng Karangalan dahil magiging inspirasyon siya umano ng kanyang mga kababayan. Ito ay patunay umano na may ambag sa pagunlad ng lalawigan ang mga taga Tayabas.
No comments