Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

8 Barangay sa lungsod, idineklara na ng pdea bilang drug-free brgy. Ayon sa lucena pnp

8 Sa 33  baranagay sa lungsod ang itinalaga na ng lucena pnp bilang drug-free barangay, ito ang isa sa magandang balitang inihayag ng hepe ...

8 Sa 33  baranagay sa lungsod ang itinalaga na ng lucena pnp bilang drug-free barangay, ito ang isa sa magandang balitang inihayag ng hepe ng lucena pnp na si p/supt. Romulo albacea sa isang pagpupulong kamakailan.

Matatandaang taong 2016 pa nagsimila ang kampanya ng mga kapulisan sa buong bansa laban sa iligal na  droga.

Simula naman  noong buwan ng enero ng kasalukuyang taon , halos isang daan at tatlumpong operasyon na ang naisagawa ng kanilang grupo laban sa iligal na droga kung saan  mahigit sa  30o na ang kanilang nadakip habang 12 naman ang nasawi na konektado sa pagtutulak at paggamit nito.

At sa loob ng pitong buwang pagsasagawa ng kanilang grupo ng drug clearing operations na nagresulta naman ng  pagkakadeklara ng pdea sa 8 barangay sa lungsod bilang drug-free barangay,  masasabi ng grupo na unit-unti nang nagbubunga ang kanilang kampanya laban dito.

Kabilang sa mga idineklarang  drug-free barangay ang brgy 2, 6,  ilayang dupay, ilayang talim,  mayao castillo, mayao parada, ranzohan, at salinas.

Tiniyak naman ng hepe na tuloy-tuloy lamang ang kanilang kampanya nang sa gayon ay madagdagan pa ang  listahan sa mga darating na panahon. Sa katunayan, sa kasalukuyan  umano ay tinatrabaho na nila ang anim pang brgy s alungsod nang sa gayon ay  maideklara  na rin ng pedeas bilang drug-free brgy.

Kaugnay nito, inamin ni albacea na ang pagkakaroon ng nasabing reputasyon ng isang lugar  ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad para sa mga opisyales ng barangay lalo’t higit sa kapitan nito.

Malaki umanong pagsubok  para sa mga ito ang pagpapanatili ng nasabing  titulo kaya’t payo ng hepe sa mga opisyales,  hindi porke’t naideklara na ang kanilang lugar bilang drug-free barangay, ay magiging kampante na ang mga ito.

Ipinaalala nito na higit sa titulo, mas dapat na  bantayan nang mas maigi ng mga opsiyales ang kani-kanilang mga lugar at mas nararapat na makipag-ugnayan at  makipagtulungan sa ang mag ito sa kanilang tanggapan sakaling maysumulpot na namang mga  bagong kaso ng  paggamit at pagbebenta ng  iligal na droga sa kanilang komunidad.

Sa ganitong paraan umano ay agad na  maibabalik ang reputasyon ng kanilang barangay. Sa huli, ang kooperasyon at malasakit ng mga mamamayan sa isang lugar ang nagiging dahilan ng   higit na kaunlaran. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.