8 Sa 33 baranagay sa lungsod ang itinalaga na ng lucena pnp bilang drug-free barangay, ito ang isa sa magandang balitang inihayag ng hepe ...
8 Sa 33 baranagay sa lungsod ang itinalaga na ng lucena pnp bilang drug-free barangay, ito ang isa sa magandang balitang inihayag ng hepe ng lucena pnp na si p/supt. Romulo albacea sa isang pagpupulong kamakailan.
Matatandaang taong 2016 pa nagsimila ang kampanya ng mga kapulisan sa buong bansa laban sa iligal na droga.
Simula naman noong buwan ng enero ng kasalukuyang taon , halos isang daan at tatlumpong operasyon na ang naisagawa ng kanilang grupo laban sa iligal na droga kung saan mahigit sa 30o na ang kanilang nadakip habang 12 naman ang nasawi na konektado sa pagtutulak at paggamit nito.
At sa loob ng pitong buwang pagsasagawa ng kanilang grupo ng drug clearing operations na nagresulta naman ng pagkakadeklara ng pdea sa 8 barangay sa lungsod bilang drug-free barangay, masasabi ng grupo na unit-unti nang nagbubunga ang kanilang kampanya laban dito.
Kabilang sa mga idineklarang drug-free barangay ang brgy 2, 6, ilayang dupay, ilayang talim, mayao castillo, mayao parada, ranzohan, at salinas.
Tiniyak naman ng hepe na tuloy-tuloy lamang ang kanilang kampanya nang sa gayon ay madagdagan pa ang listahan sa mga darating na panahon. Sa katunayan, sa kasalukuyan umano ay tinatrabaho na nila ang anim pang brgy s alungsod nang sa gayon ay maideklara na rin ng pedeas bilang drug-free brgy.
Kaugnay nito, inamin ni albacea na ang pagkakaroon ng nasabing reputasyon ng isang lugar ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad para samga opisyales ng barangay lalo’t higit sa kapitan nito.
Malaki umanong pagsubok para sa mga ito ang pagpapanatili ng nasabing titulo kaya’t payo ng hepe sa mga opisyales, hindi porke’t naideklara na ang kanilang lugar bilang drug-free barangay, ay magiging kampante na ang mga ito.
Ipinaalala nito na higit sa titulo, mas dapat na bantayan nang mas maigi ng mga opsiyales ang kani-kanilang mga lugar at mas nararapat na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa ang mag ito sa kanilang tanggapan sakaling maysumulpot na namang mga bagong kaso ng paggamit at pagbebenta ng iligal na droga sa kanilang komunidad.
Sa ganitong paraan umano ay agad na maibabalik ang reputasyon ng kanilang barangay. Sa huli, ang kooperasyon at malasakit ng mga mamamayan sa isang lugar ang nagiging dahilan ng higit na kaunlaran. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments