Sa naging panayam ng tv12 kamakailan kay kapitana amy sobreviñas ng barangay barra, inilahad nito ang kanilang mga programa sa pamayanan pa...
Sa naging panayam ng tv12 kamakailan kay kapitana amy sobreviñas ng barangay barra, inilahad nito ang kanilang mga programa sa pamayanan partikular na ang pagpapaigting ng pakikiisa sa alternative learning system program ng department of education.
Ayon kay sobreviñas, nakipag-ugnayan na ang sangguniang barangay sa deped hinggil sa programa nitong als para sa mga out-of-school-youth na gustong makapag-aral muli gayundin sa technical education and skills development authority.
Sinabi nito sa mga kabataan ng kaniyang barangay na pinamumunuan na hindi na nakakapag-aral, maaari pa rin sila aniyang magpatuloy sa pagkakaroon ng dagdag kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng mga naturang programa.
Gayundin para sa kanilang paghahasa ng kasanayan, maaari silang mag enrol sa iba’t ibang kurso sa lucena manpower skills and training center na libreng ipinagkakaloob ng pamahalaang panlungsod.
Ibinahagi din nito na kamakailan ay nakapg-graduate na sila mula dito ng nasa mahigit sa dalawampu na kumuha ng kursong hair science, massage therapy and baking na ngayon ay nagagamit na ng mga ito ang kanilang mga natutunan.
Sa huli ay inaasahan ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa para sa ikabebenepisyo ng mga mamamayan ng barangay barra. (Pio-lucena/ m.A. Minor)

No comments