Pinangunahan nina PCOO Secretary Jose Rupert Martin Andanar, Gobernador David C. Suarez at Deputy SolCom Commander BGen Monico Batle, AFP...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ang mga residente ng Quezon na pinangunahan ni Gobernador David Suarez ay nagdaos ng ika-140 anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon noong August 19, 2018.
Ang pagdiriwang ay nagsimula sa wreath-laying ceremony at pag aalay ng bulaklak sa bantayog ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon sa Quezon Perez Park sa loob ng Capitol Compound sa Lucena City.
Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang siyang naging panauhing pandangal.
Si Suarez at Andanar ay nagbigay ng mga talumpati na para kay Quezon na naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.
Ang Pangulo ay isinilang sa Baler, Tayabas noong Agosto 19, 1878. Nang maglaon, ang Tayabas ay pinalitan ang at naging Lalawigan ng Quezon.
Samantala, sa Quezon City sa Metro Manila, pinamunuan ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon na may seremonya ng wreath-laying at pagbubukas ng Presidential Car Museum sa loob ng Quezon Memorial Circle.
No comments