Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong civil registrar head at city tourism officer, dumalo sa oras kabatiran ng sangguiang panlungsod

Nagsilbing panauhin sa oras kabatiran ng isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan ang bagong city civil registrar...

Nagsilbing panauhin sa oras kabatiran ng isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan ang bagong city civil registrar head na si editha regodon at city tourism officer na si arween flores.

Dito tinalakay ang usapin higgil sa pagkakaupo nila bilang mga bagong namumuno sa mga nabanggit na ahensya kabilang ang kanilang mga gampanin at mga naiisip na plano para sa kanilang tanggapan.

Marami sa mga miyembro ng konseho ang nagbigay ng kani-kanlang katanungan hinggil sa mga responsibilidad na kanilang hahawakan sa bago nilang ahensya na pamumunuan.

Kabilang na nga dito si konsehal anacleto alcala iii na kung saan ay tinanong nito si regodon sa magiging adjustments nito sa pamamahala sa civil registrar.

Ayon kay regodon, bago pa man siya maging civil registrar head ngayon at ang katatapos lang niyang posisyon na hepe ng city human resources and management office, ay nauna siyang naging kawani ng city health office sa loob ng dalawampu’t pitong taon.

Dito ay naranasan aniya niyang magsaayos at gumawa ng mga birth registration ng mga sanggol at death registration ng mga mamamayang pumanaw, mga bagay na may kaugnayan sa tungkulin ng civil registrar office.

Para naman sa bagong tourism officer na sa kasalukuyan ay pinamumunuan din ang tanggapan ng clean and green, malaking tulong sa kanya ang ilang taon nang pagiging chairman ng selebrasyon ng kapistahan ng lungsod, ang pasayahan sa lucena.

Isa sa mga nagiging mithiin ng aktibidad ay ang pagtataguyod ng kultura ng lungsod gayundin ang pagmamalaki sa mga produkto nito na chami at tinapa.

Nabanggit din dito ang isa sa programa ng clean and green na twin river na kinabibilangan ng dumacaa river at iyam river sa lungsod.

Sa huli ay malugod na tinanggap ng sangguniang panlungsod ang pagiging bagong civil registrar head nina edith regodon at city tourism officer arween flores. (Pio lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.