Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Barangay marketview chairman edwin napule, pinasalamatan si mayor dondon alcala

Pinasalamatan ni kapitan edwin napule ng barangay marketview si mayor roderick “dondon” alcala dahil sa patuloy nitong pagsuporta at pagbib...

Pinasalamatan ni kapitan edwin napule ng barangay marketview si mayor roderick “dondon” alcala dahil sa patuloy nitong pagsuporta at pagbibigay tulong hindi lang sa barangay marketview kundi sa lahat ng mga barangay sa lungsod ng lucena.

Sa naging pahayag ni napule maswerte aniya ang mamamayan ng lungsod dahilan sa nagkaroon ito ng isang developmental at visionary leader sa katauhan ni mayor dondon alcala.

Makikita aniya sa kasalukuyan na ang lahat ng kaunlarang pinapangarap nito sa susunod na dalawampong taon ay sinisimulan na sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.

Dagdag pa nito, kasalukuyan ay mas pinalakas din ang mga proyekto hinggil sa social services, health programs, infrastructure and developments at maging sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

Ayon pa kay napule, sa kabutihang loob na tinataglay ni mayor dondon alcala at sa patuloy na pag-unlad ng lungsod, maaaring sa mga susuod na taon ay hindi na lamang libreng gamit pang eskwela ang ipamamahagi ng pamahalaang panlungsod sa mga mag aaral kundi pati na rin ang kanilang sapatos at uniporme.

Binaggit din nito ang usapin hinggil sa problema sa trapiko sa lungsod. Bagamat isa ito aniya sa pangunahing suliranin sa lucena ay makikita naman ang mas pagdami pa ng mga itinatayo at binubuksang establisyemento dito.

Hindi rin aniya nahuhuli ang buong porsyentong pagsuporta ng alkalde sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan para sa mga lucenahin.

Sa huli ay inaasahan ang patuloy na paglago ng kaunlaran ng lungsod ng bagong lucena. (Pio lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.