Sa pagnanais na mas maipakita ang kahalahagan ng pagbabasa ng mga aklat, iba’t ibang programa ang isinusulong ng tanggapan ng panlungsod na...
Sa pagnanais na mas maipakita ang kahalahagan ng pagbabasa ng mga aklat, iba’t ibang programa ang isinusulong ng tanggapan ng panlungsod na aklatan para sa mga mamamayan.
Kabilang na nga dito ang book drive campaign na kung saan ay lumilikom ang tanggapan ng mga babasahing aklat mula sa mga non-government organizations gayundin sa mga pribado o pampubliong silid aklatan sa lungsod.
Ayon kay Miled Ibias, hepe ng nasabing tanggapan, ang mga librong ito aniya ay ipapamahagi ng City Library sa mga barangay na malalayo at maliit ang posibilidad na makapunta sa kanilang tanggapan.
Layunin nito na maipamulat sa mga mamamayan ng mga napiling barangay partikular na sa mga kabataan ang tunay na importansya ng pag-aaral at pagbabasa.
Pahayag pa ng hepe, sa idinaos na Booklatan sa Sanitary Landfill kamakailan, nagkaloob ang rotary club of Lucena South ng ilang mga libro sa kanilang ahensya.
Ayon pa kay Ibias, ang mga librong ipinagkaloob ay mapapasama sa mga nakolekta na nilang mga libro mula sa mga nakaraan nilang programa tulad ng Booklatan sa Palengke at Booklatan sa LCGC.
Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon ng proyekto ang City Library na tinawag nilang “Munting Aklatan sa Barangay Dalahican” na kung saan ay nagkaloob sila ng mga aklat sa itinayong mini library sa loob ng SK building sa barangay.
Bilang bahagi naman ng anibersayo ng panlungsod na aklatan nagyong taon ay Inaasahan na muli silang makapagtatayo ng isang munting aklatan sa Braagy Talao-talao.
Patuloy naman ang pagtanggap ng City Library ng mga libro mula sa iba’t ibang sector na nagnanais tumulong sa kanilang proyekto. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments