Sa pagnanais na mas maipakita ang kahalagahan ng pagbabasa sa mga bata ay nakiisa ang tanggapan ng City Library sa tree planting plus act...
Sa pagnanais na mas maipakita ang kahalagahan ng pagbabasa
sa mga bata ay nakiisa ang tanggapan ng City Library sa tree planting plus
activity na kick-off ceremony ng pagdiriwang ng linggo ng Lucena 2018.
Sa ilalim ng psycho-social development program ay nagsagawa
ang City Library ng story telling sa mga kabataan sa lugar partikular na sa mga
anak ng mga sanitary landfill personnels.
Ayon kay Miled Ibias, hepe ng naturang ahensya, may mga
libro na naglalaman ng mga pambatang kwento aniya ang maaaring basahin ng mga
kabataan. Ginagabayan din ang mga ito ng mga kawani ng panlungsod na aklatan sa
pagbabasa ng mga aklat.
Isa rin sa nagsilbing storyteller sa mga ito si Konsehal
Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng Committee on Social Welfare.
Hindi na naman bago sa konsehal ang ganitong Gawain sapagkat
makailang beses na rin siyang nagbabasa ng mga children’s books sa bawat
programa ng City Library at sa programa ng komitiba na kanyang pinamumunuan na
pamamahagi ng mga bookboxes sa mga daycare centers sa lungsod.
Ayon pa kay Ibias, naging kabahagi din ng City Library ang
City Health Office at ilan sa mga non-government organizations kabilang ang the
one and only bonafide ugat ng lucena at rotary club of Lucena south na
nagkaloob ang mga ito ng coloring books at crayons sa mga kabataan.
Layunin ng pamamahaging ito na mas mapahusay pa ang kanilang
kakayahan pagdating sa pagguhit at pagkulay.
Sa huli ay inaasahan ang patuloy na pakikiisa at pagtulong
ng iba’t ibang sektor at organisasyon sa lungsod sa adbokasiya ng panlungsod na
aklatan na maipamulat sa mamamayan ang kahalagahan ng pagbabasa. (PIO-Lucena/
M.A Minor)
No comments