Ang barangay dalahican ang isa sa may malaking pupolasyon sa lungsod ng lucena at ito rin ay may maraming bilang ng mga kabataan. At up...
Ang barangay dalahican ang isa sa may malaking pupolasyon sa lungsod ng lucena at ito rin ay may maraming bilang ng mga kabataan.
At upang may mapaglibangan ang mga kabataan dito bukod sa larong basketball, vollyball ay isang programa ang inilunsad kamakailan ng sangguniang barangay na dalahican sa pamumuno ni barangay chaiman roderick macinas at mga kagawad nito.
Ang naturang programa ay ang boxing clinic hiningkayat ng punong barangay at mga kagawad dito ang mga kabataan na sumali.
Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa parking area ng kanilang barangay.
Kung saan ilang mga kabataan ang dumalo at sinimulan ang pag-eensayo ng mga boksingero sa barangay dalahican.
Personal naman nagtungo sa barangay dalahican si venerando rea na national boxing referee at mga kasamahan nito upang sila ang magturo ng boxing sa lugar.
Naging maganda naman ang simula ng pag-eensayo ng mga kabataan dito at ayon kay kapitan macinas layunin ng naturang programa ay maiiwas sa masasamang bisyo ang mga kabataan sa kaniyang nasasakupan.
Tulad na lamang na ipinagbabawal na gamot, masangkot sa kriminalidad at ganoon din ay upang maging malusog ang kanilang pangangatawan.
Hangad din ni macinas, na may taga barangay dalahican na mapasama sa mga national compitition para makilala ang kanilang barangay hindi lang sa larong basketbal bagkos ay pagdating sa larangan ng boxing. (Pio-lucena/ j. Maceda)

No comments