Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

City treasurer ruby aranilla, binigyang ng pagkilala ng bureau of local government finance

Tiyak na muling magsisilbing inspirasyon para sa lokal na pamahalaan at sa 89 na  mga kawani ng city treasurer’s office ang karangalang nat...

Tiyak na muling magsisilbing inspirasyon para sa lokal na pamahalaan at sa 89 na  mga kawani ng city treasurer’s office ang karangalang natamo ng hepe nito na si ruby aranilla mula sa bureau of local government finance dahil sa pagkolekta nang higit sa itinakda ng blgf na revenue collection target ng lokal na pamahalaan para sa taong 2017.

Ayon kay aranilla, kada taon umano ay naglalaan ng target ang  blgf sa bawat lokal na pamahalaan kung saan ang target revenue ay magmumula sa mga local resources gaya ng mga koleksyon mula sa real property tax, business tax and other taxes , fees and charges , at economic enterprise.

Noong isang taon umano, ang itinakdang real property tax ng blgf para sa lungsod ng lucena ay mahigit sa isang daan at labing-pitong milyong piso lamang , halagang nalampasan  nila at umabot pa sa mahigit isang daan at walompo’t limang milyong pisona nangangahulugan na tumaas ang koleksyon pagdating sa real property tax ng limampo’t-walong porsyento.

Para naman sa business tax and other taxes, kailangan lamang nila makakolekta ng mahigit sa dalawang-daan at anim napo’t dalawang milyong piso ngunit ang actual revenue na kanilang nakolekta  ay umabot sa mahigit dalawang daan at pitompo’t limang milyong piso.

Sa fees and charges naman, tumaas ng mahigit sa apat napot limang porsyento ang kanilang koleksyon dahil imbis na higit sa tatlompot isang milyong piso , apat na daan at tatlompot isang milyong piso ang kanilang nasingil.

Nagtriple naman ang kanilang koleksyon pagdating sa economic enterprise. Imbis umano na higit lamang sa labing anim na milyong piso,  umabot ito ng higit sa apat napot isang milyong piso.

Sa kabuuan umano, nalampasan ng kanilang tanggapan ng halos tatlompong porsyento ang itinakdang target ng blgf.

Kaugnay nito, hindi nakalimutang   pasalamatan ni aranilla ang buong tanggapan ng city  accessor’s office. Ayon dito, kung hindi  dahil sa  mga assessment na ginagawa ng tanggapan sa mga real properties,walang kokolektahing buwis ang kanilang opesina .

Binigyang diin din nito na sa kabila ng hindi pagtataas ng tax pagdating sa real properties at business, nahihigitan parin nila ang itinakdang halaga ng koleksyon.

Dagdag pa nito, ang lokal na pamahalan ng lungsod ng lucena ay service oriented at  hindi market oriented kung kaya’t tinitiyak nilang ang lahat ng revenue na pumapasok sa lgu ay may katapat na expences at bumabalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga proyektong pangimparastraktura, pangkalusugan, pangedukasyon  at social services.

Makakaasa umano ang mga lucenahin na hindi dito nagtatapos ang pagsusumikap at pagtupad ng kanilang opesina sa mandatong nakaatang sa kanila dahil sa patuloy nilang pagsusumikapan na maging mas mataas ang revenue na pumapasok sa lokal na pamahalaan nang sa gayon ay mas maramdaman ng mga lucenahin ang pag-asensong tinatamasa ng lungsod ng bagong lucena. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.