Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Dalawang motorsiklo, ipinagkaloob ng pamahalaan panlungsod sa lucena city pnp

Ang motorcycle ang isa sa may pinakamabilis na sasakyan upang makarating sa kanilang pupuntahan.  Ito rin ay ginagamit ng kapulisan para ...

Ang motorcycle ang isa sa may pinakamabilis na sasakyan upang makarating sa kanilang pupuntahan.

 Ito rin ay ginagamit ng kapulisan para sa mabilisan pagresponde kung mayroon silang operasyon at pagpapatlrolya sa kalsada.

 At dahilan sa magandang ipinakita ng kapulisan ng lucena pnp sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lungsod lalo’t higit ang mahigpit na kampaya laban sa ilegal na droga sa lungsod.

 Na kung saan ay halos araw-araw ang isinasagawang opersyon ng mga ito na nagresulta ng mga nahuhuli nilang nagtutulak at gumagamit ng bawal ng gamot.

 Kaya naman sa mga accomplisment report na ipinakikita ng pamunuan ng lucena city pnp sa pamumuno ng hepe nito na si police superientendent romulo albacea.

 Ay kamakailan binigyan ng pamahalaan panlungsod ang kuwerpo ng kapulisan ng lungsod ng dalawang motorcycle.

 Ginanap ang pagkakaloob ng naturang sasakyan ito sa isinagawang regular na flag raising ceremony ng pamahalaan panlungsod.

Pinangunahan ni mayor roderick “dondon” alcala at ni rosie castillo oic ng city general services office pagbibigay ng dalawang motorsiklo sa pnp lucena.

 Personal naman na iniabot ng punong lungsod ang susi ng motor kay col. Albacea.

Nagpasalamat naman ang hepe ng kapulisan ng lungsod kay mayor dondon alcala sa  pagkakaloob na ito sa kanila ng dalawang sasakyan na malaking tulong ito sa pagpapatrolya sa buong lungsod.

Sa naging pananalita naman ni mayor dondon alcala ay nagpasalamat ito kay chief of police ng lucena na si col. Albacea dahilan sa mga ginagawa ng mga ito.

 Ayon  pa sa alkalde,  kahit hindi sila nag-rerequest ay pinagkalooban sila nito dahilan sa sipag at galing ng team nila at kung ano pa aniya ang kailangan nila ay kaniyang ibibigay sa kapulisan.

 Sa huli ay binati ng punong ehekutibo ang 22 pang mga lucena pnp personnel na taga lungsod ng lucena na nakabalik na dito sa lungsod buhat sa biñan laguna pnp. (Pio-lucena/ j. Maceda)







No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.