Si Mayor Roderick “Dondon” Alcala, bilang panauhing pandangal Sa isang simpleng seremonyas ng ribbon cutting na isinagawa pinakaaabangan...
Nagtapos na ang matagal nang paghihintay ng mga Lucenahin sa pinakaaabangang escalator sa bagong public market ng lungsod matapos na ito ay buksan na sa publiko.
Sa isang simpleng seremonyas ng ribbon cutting na isinagawa dito, pormal na itong binuksan sa publiko matapos ang isinagwang pagbabasbassa naturang kagamitan na pinangunahan ni Msgr. Dennis Imperial.
Dinaluhan naman ang nasabing aktibidad nina Mayor Roderick “Dondon” Alcala, bilang panauhing pandangal, Councilor Vic Paulo, Councilor Atty. Boyet Alejandrino, City Administrator Anacleto “jun” Alcala Jr., ilang mga kapitan ng barangay at mga department heads.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, pianasalamatan nito ang lahat ng miyembro ng Sangguniang panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Philip Castillo, dahilan sa palagiang pagsama ng mga ito at pag-apruba sa lahat ng mga magagandang proyekto na kaniyang ipinatutupad para sa mamamayan ng Lucena.
Buong pagmamalaki rin ng alkalde na tanging ang lungsod ng Bagong Lucena ang kauna-unahang palengke sa buong Southern Tagalog na mayroon ng escalator.
Dagdag pa ni Mayor Alcala, malaki ang naging pagtaas ng kita ng public market ng lungsod na datirati aniya ay umaabot lamang ito sa P6 na milyong piso kada taon ngunit sa panahon ngayon na nagkaron ng maayos at magandang palengke ang Lucena ay umaabot na ito sa mahigit na P25 milyon kada taon.
Sa huli ay nagbigay tagubilin rin ang punong lungsod sa lahat ng maninidahan at mga magtutungo sa palengke na gagamit ng escalator na gamitin at alagaan ng wasto ang naturang kagamitan.
Sa pagkakaroon kauna-unahang escalator sa buong Southern Tagalog, tiyak na mas dadayuhin pa ngayon ng mga mamimili ang bagong public market ng lungsod na isa rin sa magiging dahilan ng paglaki ng kita ng mga maninidahan dito.
Bukod dito, isa rin sa hinahangad ni Mayor Dondon Alcala sa paglalagay nito ay upang matulungan ang lahat ng mga mamimili, lalo’t higit ang sector ng nakatatanda at persons with disability, na makapalamalengke ng maayos at maginhawa at hindi na mahirapan pa na umakyat sa nasabing pasilidad.
Ang mga ganitong uri ng proyekto ni Mayor Dondon Alcala ay upang ipagkaloob sa mga Lucenahin ang mga nararapat na programa at proyekto na sadyang pinakikinabangan ng mga ito para na rin sa kanilang kaginhawahan gayundin sa patuloy na pag-unlad ng lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments