Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Executive committee meeting para sa kick-ooff activities ng linggo ng lucena, matagumpay na idinaos

Upang mapagplanuhang mabuti ang mga hanay ng aktibidades para sa ika-57 selebrayson ng  linggo ng lucena na magsisimula sa ika-14 ng agosto...

Upang mapagplanuhang mabuti ang mga hanay ng aktibidades para sa ika-57 selebrayson ng  linggo ng lucena na magsisimula sa ika-14 ng agosto, matagumpay na idinaos kamakailan ang pagpupulong na pinangunahan ng over-all chairman nito na si arween flores.

500 Patrisipantes mula sa iba’t-ibang organisasyon at sangay ng lokal na pamahalaan ang sama-samang magtatanim sa sanitary planting na siyang  magsisilbing kick-off acitivity ng isang linggong selebrasyon ng linggo ng lucena.

Bukod umano sa tree planting activity, may inihanda pang iba’t-ibang aktibidades ang lokal na pamahalaan gaya ng gift giving, feeding program, grooming, dental sevices, psychological development, storytelling, at film showing activity para sa 95 mga empleyado ng sanitary landfill at mga pamilya nito.

Pangungunahan ng club 1925, the one and only bonafide ugat ng lucena ,  rotary club of lucena south, at philippine tong ho institute ang  gaganaping gift giving sa mga bata na may edad 1 hanggang 15 taong gulang.

Habang ang gastos naman para sa feeding activity para sa mga bata at matatanda na hindi bababa sa 300 katao ay sasagutin na ng the original ugat lucena association incorporated.

Pangunguanahan naman ng mga myembro ng quezon provincial dental chapter at rotaract club of lucena south  ang dental mission.

Pinaghahandaan na rin ng city library , city health , at rotary club of lucena south ang psychological development, story telling at  film showing activity para sa mga anak ng sanitary landfill personels.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ng city librarian na si miled ibias na dalhin ang booklatan sa nasabing aktibidad. Aniya, maari umano silang magtayo ng minilibrary para sa mga bata na gustong magbuklat  at magbasa ng mga libro.

Ipapamalas naman ng mga estudyante ng tesda ang kanilang mga natutunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit sa  mga landfill personnels at mga pamilya nito.

Inaasahan na sa pakikiisa ng mga opisyales ng mga  barangay at sangguniang kabataan, mga kawani ng lucena pnp at ng iba’t-ibang organisasyon gaya ng club 1925, the original ugat lucena association incorporated, rotary club of lucena south, philippine tong ho  institute,  the and only bonafide ugat ng lucena, quezon provincil dental chapter, at tesda ay magiging matagumpay ang pagsasagawa ng mga nakahanay na aktibidades.(Pio lucena/c.Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.