by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales, Sol Luzano @ La Liga Pilipinas LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hindi kayang pigilan ng malakas na ulan a...
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales, Sol Luzano @ La Liga Pilipinas
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hindi kayang pigilan ng malakas na ulan ang pananabik ng mga taga lalawigan para panoorin ang isang Extra-Braganzang selebrasyon ng Niyogyugan Fetival, Grand Parade – Dakong alas-tres ng hapon, sa saliw at tunog ng musikang hinango sa tema ng Niyogyugan Festival ay makikita ang excitement ng libo-libong mga mamamayan na nagmula sa iba’t-ibang panig ng lalawigan, mula sa Polillo Group of Islands, ng Unang Distrito, mga milenyals na mula pa sa ika-apat na Distrito, mga bata at matanda ng ika-dalawang distrito at ang mga magniniyog at magsasaka na galing sa Bondoc Peninsula kung saan ang pamilya Suarez ay nakabase at siyang nagkonsepto ng isang maituturing na isa sa pinakamatagumpay na festival sa buong bansa. Hindi matatawaran ang ganda ng mga floats na pumparada sa kahabaan ng Maharlika Highway at Quezon Avenue kung saan ay libo-libong mga taga –Quezon ang natunghayan ang ganda at unique na likha ng mga bayang nag-participate o sumali sa grand parade ng niyogyugan festival.
Makikita si Cinderella na nakaupo sa biniyak na niyog mula sa float ng Infanta, Quezon, bukod sa magandang designed mula sa bao at bunot ng niyog na hinaluan ng berde, dilaw, light brown at pulang kulay na nagpapakita ng diverse na kultura ng bayan.
Kamay ni Jesus at Pahiyas Festival naman ang ibinida ng Lucban, Quezon sa mga manunuod at kumakaway naman sa kanyang tagahanga ang kasalukuyang Bb. Pilipinas International na syang naging Bb. Niyugyugan Festival 2017 – at sa tingin nga ng marami ay lalo pang tumingkad ang ganda ng anak ng Candelaria na si Bb. Pilipinas International Athisa Manalo.
Habang papalapit ang float ng Atimonan, Quezon ay kasabay ang indak ng sayaw ng mga street dancers mula sa nasabing bayan at lalo pang namangha ang mga manunuod ng makita ang isang malahigante at magandang serena katabi ang isang magandang babae at isang batang babae na nakaupo sa malaking taklubo kasama pa ang iba’t-ibang uri ng isda na naglalarawan ng mga kuwentong mistiko at masaganang pangisdaan sa bahagi ng dagat pasipiko.
Isa namang malaking anghel ang float ng Tayabas na naglalarawan ng kanilang kultura at tradisyon ng pananampalataya, samantalang ang bayan ng Sariaya ay may dalawang malaking kalabaw na may hilang paragos na may lamang mga saging at gulay at iba pang ani ng produktong agrikultura na sumasalamin sa simple at payak na pamumuhay ng mga magsasaka at nagsusulong ng organic farming na isa sa mga adbokasiya ni Gov. David “Jayjay” Suarez at ni Congressman Danilo Suarez.
Ang Quezon, Quezon ay seahorse na bangka ang desinyo ng kanilang float na may nakasakay na babaeng maganda na nakasuot ng gawa na niyari sa bunot ng niyog at buri.
Ayaw ding magpatalo ng Buenavista, Quezon sa ganda ng kanilang float na makulay ang costume ng kanilang street dancers. Repleksyon ng ng isang mataas na tore ng simbahan ang ipinakita sa bayan ng Agdangan na sumasalamin sa matinding pananampalataya sa Maykapal.
Isang maganda at matingkad na iba’t-ibang kulay ang suot ng mga street dancers sa bayan ng Perez, Quezon at sinudan din ito ng float ng dalawang artistang kapwa taga ABS-CBN na sina JM De Guzman at ang magandang si Yassi Pressman ng teleseryeng “Ang Probinsiyano” at dito nga ay sumugod na ang mga tagahanga ng asawa ni Cardo na gustong maka-kamay at makapagpa-selfie dahil ayaw sayangin ang sandaling nakasama nila ang kanilang mga idolo sa movie at tv industry.
Samantala, naging karagatan ng mga tao ang buong compound ng kapitolyo ng sumapit ang gabi upang pagmasdan ang ganda ng iba’t-ibang kulay ng liwanag sa buong paligid ng Provincial Capitol – kasama ang buong pamilya, kaibigan at mga bisita, maging ang mga dayuhang turista ay pinilit na makahanap ng kaunting espasyo sa itinuturing na bagong mukha ng Perez Park na bukod sa pinaganda ay dinagdagan pa ng mga bagong amenities at facilities kasama ang bagong landscape na syang nagdagdag ng grandeur sa nasabing parke.
Pinatingkad pa ang gabi ng mga iba’t-ibang ilaw at produktong ipinagmamalaki ng bawat bayang naglagay ng “booth” sa paligid ng kapitolyo kung saan ay nagpapaunahang makabili ng souvenir ang mga namamasyal sa Niyugyugan Festival 2018. Isang patunay na hindi lamang saya ang dala ng nasabing festival at dahil kasama dito ang paglago ng ekonomiya, hanapbuhay at pag-asa ang ibinibigay ng Niyogyugan Festival.

Ang mga larawan sa Niyogyugan Festival 2018 mula Umaga, Tanghali at Gabi.
No comments