Bilang pakikiisa sa International Youth Day, nag organisa ang SK Federation ng lungsod sa pamumuno ni Councilor Patrick Nadera ng isang t...
Bilang pakikiisa sa International Youth Day, nag organisa
ang SK Federation ng lungsod sa pamumuno ni Councilor Patrick Nadera ng isang
two-day celebration ng linggo ng kabataan kamakailan.
Bahagi ng dalawang araw na pagdiriwang na ito ay ang fun run
for a cause na siyang naging kick off activity ng nasabing selebrasyon, at
pinangunahan ng Chairperson ng Committee on Sports and Development ng SK
Federation na si SK Chairman John Angelo Buñag ng barangay 2.
Dinaluhan ito ng mahigit sa limang daang partisipante na
binubuo ng mga SK Officials sa bawat barangay, mga mag-aaral mula sa
Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, Lucena Manpower Skills Training Center,
Maryhill College, Lucena City National High School, Cotta National High School
at ilang non-government organization tulad ng Rotaract Club of Lucena South.
Nagsimula ang pagtakbo sa parking area ng Pacific Mall na
kung saan ay dito rin ginanap ang registration, papuntang Citta Grande at
pabalik ng nabanggit na mall.
Mas naging makabuluhan naman ang programa dahil sa ang
nagsilbing registration fee ng mga partisipante ay mga coloring books, crayons
at 1.5 liters soda bottle.
Ang mga kinukulayang libro at krayola ay mapupunta sa mga
mag aaral ng piling day care centers sa lungsod.
Samantalang ang mga nakolektang soda bottles naman ay
ipagkakaloob sa Solid Waste Management na gagawing eco-bricks para sa sanitary
landfill.
Maaari rin itong gawing dekorasyon sa nasabing lugar at
gawing paso para sa backyard gardening.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ay alinsunod na
rin sa mithiin ng SK Federation na mapagsama-sama ang mga kabataan sa lungsod
at mahikayat sila na maging aktibo sa pakikiisa sa mga programa ng pederasyon
para sa kanila.
Gayundin ay upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan sa lungsod ng Lucena.
Sa huli ay inaasahan ang patuloy na pagsasagawa ng
Sangguniang Kabataan Federation ng mga programa para sa mga kabataang mamamayan
ng lungsod. (PIO-Lucena/ M.A Minor)
No comments