Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hepe ng lucena pnp, hinikayat ang mga mamamayang lucenahin na makiisa sa kampanya laban sa iligal na droga

Walang tigil ang pagsasagawa ng lucena pnp ng mga programa at aktibidades na may kinalaman sa kampanya laban sa iligal na droga. Kaliwa’t...

Walang tigil ang pagsasagawa ng lucena pnp ng mga programa at aktibidades na may kinalaman sa kampanya laban sa iligal na droga.

Kaliwa’t kanan din ang mababalitaang operasyon na isinasagawa ng kapulisan para maditini ang mga gumagawa ng maling gawain.

Ngunit, sa kabila nito ay hindi maitatangging patuloy pa ding lumalaganap ang transaksyon ng ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay nito, sa naging pahayag ng hepe ng lucena pnp na si psupt. Romulo albacea hinikayat nito ang mga mamamayang lucenahin na makiisa sa pagpuksa nila laban sa iligal na droga.

Gayundin ay nakiusap ito sa mga nagsipagtapos sa programa ng kanilang tanggapan na sipag na simulant na ang pagbabago at ipagpatuloy at isapuso ang lahat ng kanilang natutunan sa programa at sa mga pastor na gumabay sa kanila.

Ibinahagi din ni albacea sa mga ito ang isa sa paraan upang maiwasan na nilang bumalik sa dating gawi kasabay ng pagtulong sa kapulisan hinggil sa kampanya.

Sa tuwing makakakita aniya ang mga ito o magkakaroon ng balita tungkol sa mga drug personalities sa barangay o anumang drug involvement lalo’t higit ang mga nagtutulak ng droga.

Dagdag pa ni albacea, sa kasalukuyan ang bawat operasyon na kanilang ginagawa ay hindi na sa pamamagitan ng search warrant kundi buy-bust operation na upang hindi na sila makakalabas pa kaya’t para aniya sa mga mamamayang lucenahin na sangkot sa nasabing usapin ay simulan na ang pagbabago, makipag-ugnayan sa kapulisan at makiisa sa mga programa nila para sa kanila. (Pio-lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.