Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hepe ng lucena pnp, may pakiusap sa mga sipag graduates

“Sana po pagkatapos ng graduation ng sipag ay tulungan nyo po ang kapulisan na maialis na ang usapin at kaganapan hinggil sa illegal na dro...

“Sana po pagkatapos ng graduation ng sipag ay tulungan nyo po ang kapulisan na maialis na ang usapin at kaganapan hinggil sa illegal na droga sa lungsod ng lucena”, ito ang naging pahayag ng hepe ng lucena pnp na si police superintendent romulo albacea kamakailan.

Kasabay ng pagtatapos ng nasa mahigit sa apat na daang katao na drug surrenderees sa programa ng lucena pnp na sipag ay ang pagbibigay ng mensahe ni albacea para sa mga ito.

Pakiusap ni albacea kasama ang buong hanay ng kapulisan sa mga ito, ang pagtatapos nawa nila sa sipag ay maging pagtatapos din nila sa paggawa ng kriminalidad partikular na sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sinabi din nito na hindi pa aniya natatapos ang kanilang partisipasyon dito sapagkat simula pa lang ito aniya ng lahat. Matapos ito ay sisimulan nila ang pagsasagaw sa lahat ng mga tinuro sa kanila ng mga pastor patungo sa tama at matuwid na daan ng pag-asa at pagbabago.

Sa kabilang banda, ibinahagi din ni albacea na nakakalungkot mang isipin ngunit may ilang mga drug surrenderees na muling bumalik sa masama nilang gawain.

Paalala ni albacea sa mga sipag graduates na huwang ng tularan ang mga ito at magpatuloy na lang sa maayos na pamumuhay kasama ang kani-kanilang mahal sa buhay.

Sa huli ay nagpasalamat si albacea kay mayor dondon alcala para sa walang sawa nitong pagtulong sa mga programa ng kapulisan na buong porsyentong sinusuportahan ng pamahalaang panlungsod kaisa ang sangguniang barangay sa pamumuno ng mga kapitan dito.

Gayundin sa hepe ng city anti-drug abuse council na si francia malabanan na nangunguna sa mga ganitong uri ng programa at sa mga pastor na boluntaryong tumutulong at gumagabay sa mga surrenderees.

Ang lahat ng nabanggit aniya ay malalaki ang naging kaambagan at tulong sa pagsasakatuparan ng programang sipag. (Pio-lucena/ m.A. Minor)







No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.